Janine Gutierrez confirms breakup with Elmo Magalona

IMAGE Noel Orsal

Masakit man daw ang kanilang hiwalayan, aminado si Janine Gutierrez na may mga bagay talagang hindi nila kayang kontrolin, katulad na lamang ng pagkakaroon ng iba't ibang schedules lalo na't nasa magkabilang istasyon sila ng ex-boyfriend na si Elmo Magalona.


Kahit masakit sa kanyang damdamin, kinumpirma ni Janine Gutierrez na hiwalay na sila ni Elmo Magalona matapos ang dalawang taong relasyon bilang magkasintahan.

Sa panayam ni Nelson Canlas para sa 24 Oras ng GMA Network ngayong gabi, October 20, sinabi ni Janine na schedule ang pinakamalaking factor sa pagtatapos ng kanilang relasyon.

Pahayag ng panganay na anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher, “Siyempre mahirap, we have different schedules.

“Uhm, he’s in a new place place with new people and it’s hard to find a common schedule and everything.

“So we just really both decided to focus on work.”

Ang pagkakaroon ng magkahiwalay na career sa magkaibang istasyon ay masasabi rin daw na sanhi upang mawalan sila ng oras sa isa’t isa.

Si Janine ay nananatiling Kapuso, habang si Elmo naman ay lumipat na sa Kapamilya network.

Dahil dito, kailangan na raw nilang bigyang laya ang isa’t isa.

Aminado si Janine na masakit para sa kanya ang kanilang breakup, pero kailangan daw ito para hindi sila maging unfair sa isa't isa.

Nagpasalamat naman siya sa mga taong nagbibigay ng lakas ng loob sa kanya ngayon.

Saad ni Janine, “Siyempre kapag ganito, you just want to look back at the good stuff, di ba, so…

“We were together for more than two years and that whole time, that was all support, tsaka love.

“Kahit hindi na kami siyempre, hindi magbabago lahat ng pinagsamahan namin.

“So, I'll always wish the best for him.”

Unang lumabas ang balitang break na sina Janine at Elmo diro sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi, October 19.

Read: PEP SCOOP: Janine Gutierrez and Elmo Magalona break up


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN