JC Santos not scared of being typecast in gay roles: "It's a role and willing ako gawin lahat."

IMAGE Arniel C. Serato

Nakakaramdam na raw ngayon ng importansiya sa industriya ang baguhang aktor na si JC Santos. Sabi nito, "I'm very grateful and honored at the same time because this time I have the respect I wanted ever since…"


Habang namamayagpag sa ere ang Till I Met You sa primetime ng ABS-CBN, kasabay nito ang pag-ukit ni JC Santos ng pangalan sa showbiz.

Mula sa pagiging theater actor, ngayon ay kilala na si JC sa mundo ng telebisyon.

Pahayag niya, “I’m very grateful and honored at the same time because, this time, I have the respect I wanted ever since.

“And ever since I started doing acting and stuff, okay naman ako, I feel great, and it’s been so good so far.

“I love the work and I’m here for the work only.

“I’m not here for fame, competition and, this time, I’m a normal person who happens to love acting and I have a job, I need a job, and I got the job.”

Bisexual ang ginagampanan niyang role sa Till I Met You, na pinagbibidahan nina James Reid at Nadine Lustre.

Hindi ba siya natatakot na ma-typecast sa ganitong klaseng role?

Sagot ni JC, “No, no. It’s a role, and ako, willing ako gawin lahat. I’m fine.

“And hindi naman ako natatakot, masaya ako sa acting, e, and it’s what I wanted to do for the rest of my life.”

SEXY PICTORIAL. May mga naglabasan nitong mga nakaraang araw na sexy pictorial ni JC. Pero ayon sa kanya, matagal na raw kuha yun.

Hindi naman daw siya naiilang sa sexy pictorials dahil malawak ang kanyang pang-unawa sa sining.

Saad pa niya, “Wala namang problema sa akin ang nudity 'coz I’m from UP, and I’m from the theater, and I think mas malawak yung pang-unawa.”

May isa namang bagay na labis na ikinatuwa si JC sa ngayon — nakabili na raw siya ng bagong cellphone.

Natatawa niyang kuwento, “Yes, nakabili na ako ng bagong phone kasi five years na yung phone ko, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“iPhone na [gamit ko] kasi afford ko na siya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si JC sa idinaos na Project Hairshot Clinix x The Red Whistle’s Road to World AIDS Day 2016, kahapon, October 20, sa Pineapple Lab, Makati City.

THE RED WHISTLE VOLUNTEER. Masaya raw si JC sa kanyang pagboluntaryo sa Project Hairshot Clinix x The Red Whistle’s Road to World AIDS Day 2016 dahil gusto niyang makatulong sa mga kabataan ngayon na maging aware sa malubhang sakit na HIV at AIDS.

Saad ng binata, “I want to make the young people of my generation be self-aware of HIV and AIDS epidemic.

“I want to be able to be their bridge so that they’ll be more aware and they’ll be confident enough to learn more about it.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN