Xian Lim pulls another surprise for Kim Chiu on the eve of Star Magic Ball

IMAGE Instagram photo of Kim Chiu

Xian Lim asks Kim Chiu to be his date at the Star Magic Ball for the fourth time.


Muli na namang naging viral ang sorpresa ni Xian Lim sa kanyang loveteam partner na si Kim Chiu.

Sa kanyang Instagram post kagabi, October 21, ipinakita ni Kim kung paano siya tinanong ni Xian na maging ka-date niya sa gaganaping Star Magic Ball sa Makati Shangri-la Hotel mamayang gabi, October 22.

Sa unang post, sabi ni Kim: “Still... he never fails to surprise!? Thank you!!! #starmagicball2016”

never fails to surprise.... ?????????hihi salamt!????

A photo posted by Kimberly Sue Yap Chiu ???? (@chinitaprincess) on

Ang sumunod na post ay nagpapakita ng naging reaksiyon ni Kim sa sorpresa ni Xian.

Sabi ng aktres sa caption: “4 straight years... thank you mr right!!!! ? A for effort sa pa-banner and pang gulat sakin ng tanghaling tapat!”

Unang naging magka-date sa taunang okasyon ng Star Magic sina Kim at Xian noong 2012, kung saan itinanghal sila bilang Star Magic Couple of the Night.

Noong 2013, itinanghal naman ang The Story of Us actors bilang Fabulous Pair of the Night.

Muling naging Couple of the Night ang kilalang Kapamilya loveteam noong 2015.

WHO WILL DATE WHO? Bukod sa magagarang kasuotan at masayang programa, inaabangan din ng publiko kung sino ang magiging ka-date ng kanilang mga paboritong artista.

Masaya si Sam Milby na matapos ang anim na taong pagiging solo, may ka-date na siya sa Star Magic Ball — ang girlfriend niyang si Mari Jasmine.

Sabi niya sa isang interview, “I am happy to say that I have a date this year.”

Read: Sam Milby on relationship with Mari Jasmine: "Happy and in love ako."

Inamin naman ni Jessy Mendiola sa isang interview kamakailan na si Luis Manzano ang makaka-date niya sa Star Magic Ball ngayong taon.

Ang celebrity MYX VJ na si Sharlene San Pedro ay inayang maging ka-date ng kanyang kapwa celebrity VJ na si Jairus Aquino.

Samantala, narito ang ilan pang inaasahang darating bilang magka-date sa Star Magic Ball: ex-couple John Lloyd Cruz and Angelica Panganiban, Born For You actors Janella Salvador and Elmo Magalona, Inigo Pascual and rumored girlfriend Girltrends member Kelley Day, at ex-Pinoy Big Brother teen housemates Bailey May and Ylona Garcia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tumutok lamang sa @PEPalerts sa Twitter at Instagram para sa updates mula sa Star Magic Ball 2016 mamaya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN