Did Elmo Magalona ask Janella Salvador as his date for Star Magic Ball?

IMAGE Instagram accounts of Janella Salvador and Elmo Magalon

Did Elmo Magalona ask Janella Salvador to be his date in the upcoming Star Magic Ball?


Sina Elmo Magalona at Janella Salvador nga ba ang magka-date sa Star Magic Ball?

Sa Instagram post ni Elmo (@elmomagalona) kagabi, October 21, nag-post siya ng picture ng bawas na pizza pie na nasa loob pa ng box.

Sa loob ng takip nito ay may tanong na nakalagay na, “I know it’s a little late, but for tomorrow night, will you be my date?”

May pagpipilian naman ang pinagbigyan ni Elmo nito na “Yes,” “No,” at “Too Cheesy.”

Saad naman ni Elmo sa kanyang caption, “#StarMagicBall2016 tomorrow. Let’s see: Team (check), Attire (check), Date (check). All set. Let’s go.”

#StarMagicBall2016 tomorrow. Let's see: Team ?? Attire ?? Date ?? All set. Let's go

A photo posted by Elmo Magalona (@elmomagalona) on

Dalawang oras makalipas ang post, nag-post naman si Janella sa kanyang Twitter account.

Sabi niya sa kanyang tweet, “Well, I love cheese.”

Kahit walang tinutukoy na tao ang mga posts nina Elmo at Janella, agad namang nag-comment ang mga fans nila na maaaring sila ang magka-date sa Star Magic Ball na gaganapin mamaya, October 22.



Mula nang lumipat si Elmo sa Kapamilya network noong 2015, si Janella na ang kanyang naging ka-love team. Nagsama sila sa isang episode ng Wansapanataym noong Disyembre at nagtambal rin sila sa teleseryeng Born For You.

Sa ngayon ay magka-love team rin ang dalawa sa Wansapanataym presents Holly and Mau.

Samantala, nitong Miyerkules lang ay nailathala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na naghiwalay na si Elmo at ang kanyang kasintahang si Janine Gutierrez, na isa namang aktres mula sa GMA Network.

Ayon sa isang interview ni Janine, mutual ang naging break-up nilang dalawa dahil na rin sa pagiging busy nila kaya nagdesisyon na muna silang mag-focus sa kani-kanilang career.

Read: Janine Gutierrez confirms breakup with Elmo Magalona


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN