Rocco Nacino picks up the pieces post-Lovi Poe: 'After finding out some things, mas madali na.'

IMAGE Rocco Nacino's Instagram

"Aminado naman ako na ito ang pinakamasakit… kapag mahal mo ang isang tao, you have to let go," Rocco Nacino declares. He still loves Lovi Poe? "Wala na, wala na… naka-move on na ako," he says.


Tila ngayon lang lumalabas ang sama ng loob si Rocco Nacino sa kinahinatnan ng relasyon nila ng ex-girlfriend na si Lovi Poe kumpara noong kabi-break lang nila.

“Talaga?” ang parang napaisip niyang reaksiyon.

“Oo naman, nagulat kasi ako sa mga pangyayari.

“Pero kapag mahal mo ang isang tao, it’s a better way to show your love… to let her go,” saad niya.

Nasabi na niya noon na walang third party sa hiwalayan nila ni Lovi.

Wala nga bang talaga?

“Dahil nga hindi pa kami nag-uusap,” tugon niya.

Kailangan ba na mag-tally ang sasabihin nila ni Lovi?

“Hindi ko alam, e. Hindi ko lang mapagtugma-tugma ang mga nangyayari.

“Ang alam ko, wala namang third party, it’s more about us being ready… her,” saad niya.

Hindi na nga raw nagkita at wala na nga raw komunikasyon ang sina Rocco at Lovi.

May posibilidad kaya na maging magkaibigan sila?

Ani Rocco, “Hindi pa kami nagkikita… maging magkaibigan?

“I think may whatsApp group kami, nakakapag-usap kami sa Beautiful Strangers.”

Nag-get-together sila [the cast], sinadya ba niyang hindi pumunta?

“No, hindi, may trabaho 'ko nun, I tried pero hindi talaga puwede.

“Sayang nga, excited pa naman ako, ako pa naman ang mahilig mang-asar.

“Unfortunately, hindi talaga puwede.

“Yung chance na maging magkaibigan, this is my ano, naka-move on na ako.

“Aminado naman ako na ito ang pinakamasakit.

“Like I’ve said, kapag mahal mo ang isang tao, you have to let go.”

May nararamdaman pa rin ba siyang pagmamahal kay Lovi?

“Wala na, wala na… after finding out some things, mas madali na.”

Hindi na nasundan pa ang sinabing ito ni Rocco dahil nag-iba ng topic ang interview.


NEW CONTRACT. Sa kabilang banda, masaya raw si Rocco bilang isang Kapuso.

Kapipirma nga lang niya ng panibagong tatlong kotrata sa GMA-7 nitong Huwebes, October 20.

Pahayag niya, “Six years na rin ako bilang Kapuso and then, three years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Magse-celebrate ako ng ten years dito, I’m very happy.

“Iilan lang naman kaming lalaki na leading man status and binibigyan ako ng priority.

“Maraming-maraming gusto na makapunta sa posisyon ko ngayon.

“I’m doing my best to maintain it.

“Katulad nga ng sabi ni Dong [Dingdong Dantes] noong StarStruck presscon, sustainability.

“How you will sustain it, how you will make a mark.”

Sa batch rin nila na StarStruck batch 5, si Rocco na lang yata ang aktibo pa rin sa Kapuso network.

Sa loob ng anim na taon, hindi ba siya umabot sa puntong nagreklamo, nag-demand sa network?

“Hindi naman,” nakangiti niyang sabi.

“Parang sundot lang… it all comes down to darating din ang tamang panahon.

“Kasi hindi naman pupuwedeng ipilit agad.”

Sa susunod na tatlong taon, ano ang mga expectations ni Rocco sa GMA-7?

“Roles, of course, bigger roles.

“More team-up with a leading lady, more concert.

“Sinasabay ko pa ang pagkanta, ang business ko pa,” saad niya.

Marami pa rin daw sa Kapuso network na hindi pa niya nakakatrabaho tulad nina Carla Abellana at Rhian Ramos.

Bulalas ni Rocco, “Si Jennylyn Mercado, I love to work with her again.

“Especially now na ang galing na niyang mag-comedy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN