Ylona Garcia denies BaiLona love team breakup rumors

IMAGE Noel Orsal

Ylona Garcia vehemently denies breakup rumors with love team partner Bailey May, amidst talks that they're not attending the 2016 Star Magic ball together: "No, no. Kayo talaga, grabe."


Sa mga events tulad ng Star Magic Ball ay inaasahang sabay darating bilang mag-partner ang love teams na pinu-push ng Kapamilya network.

Pero iba raw ang kaso ng magka-love team na sina Bailey May at Ylona Garcia, o mas kilala sa bansag sa kanila ng fans na BaiLona.

Sa magkahiwalay na panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kina Bailey at Ylona sa nakaraang Push Awards nung Miyerkules, naunang kinumpirma ng batang aktor na hindi pa niya tinatanong si Ylona kung sila ang magkapareha sa Star Magic Ball na gaganapin mamaya sa Makati Shangri-la Hotel.

Read: Bailey May, Ylona Garcia not likely to walk as a pair on Star Magic red carpet

Ayon naman kay Ylona, hindi naman problema sa kanya kung hindi man sila sabay dumating dito ng kapareha at sasama na lang daw siya sa ilang mga kaibigan.

Sabi niya, “I’m not sure, depende sa kanya.

“'Di pa po, not yet. You guys should ask him.

“Pero mas romantic if he asks you, 'di ba?

“Pero whatever happens na lang. For me kung saan ka masaya, yun lang.

“Yah, I brought my pals, I called my girl squad, Alexa Ilacad. Hayun.”

FOCUS ON CAREERS FIRST. Sa interview kay Bailey ay idiniin niyang bata pa raw kasi sila ni Ylona at mas maganda kung mag-focus muna sila sa kanilang mga respective careers at i-enjoy ang kanilang kabataan; bagay na sinang-ayunan naman ni Ylona.

“True, kasi katorse lang ako. Katorse din siya.

“He’s fourteen but he’s younger than me by a few months.

“You know, me and Bailey, unang-una we’re really good friends.

“We’re great friends, we are best friends, especially kasi we’re only 14.

“Bata pa kami talaga.

“We just want to be free spirits and enjoy our lives really.

“You know, I really love spending time with him.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think he loves spending time with me rin yata.

“Of course, his parents and my parents, they just want the best for their children,” giit niya.

Hindi naman itinanggi ng batang singer na napagsabihan sila ng kapareha ng kanilang mga pamilya.

Pag-amin niya, “In a way.”

NO BREAKUP. Sa kabila nito ay siniguro naman ni Ylona na tuloy pa rin ang pagiging mag-love team nila ni Bailey at sa kabila nito para sa batang singer ay malaya si Bailey na gawin ang gusto nitong gawin.

“Of course, we are a love team. Yeah, he can do whatever he wants.

“Sa totoo it’s his career, its his life, so I’m letting him do what he wants.

“We have the same understanding, but you know, we never know what’s gonna happen in the future,” lahad ng dalaga.

Nilinaw rin ni Ylona na hindi sila nag-breakup ni Bailey.

Tanggi niya, “No, no. Kayo talaga, grabe.”

ABORTED MOVIE PROJECT. Kinumpirma rin ng batang singer na hindi na nga sila parte ni Bailey ng pelikulang Bloody Crayons at nirerespeto nila ang desisyon ng management.

“Nope, not anymore. Well, I guess the director’s made new choices and I think we just have to respect his decision.

“Nalungkot? No, it’s their choice naman.

“Whatever they want, whatever they think is the best naman, then sige push mo yun.”

“Projects? Opo, mayroon. Secret.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN