Gab Valenciano on separation from Tricia Centenera: 'I wish to not really defend myself at this point.'

IMAGE ABS-CBN News (Gab) / Noel Orsal (Tricia)

Gab Valenciano chooses to be positive amid controversy. "I've gotten to that point where puro good vibes na lang. If you noticed, my social media is all about positivity and living your life to the fullest. I'd rather keep it that way."


Sa wakas ay binasag na ni Gab Valenciano ang kanyang katahimikan tungkol sa hiwalayan nila ng asawa niyang si Tricia Centenera.

Sa interview sa kanya ng ABS-CBN News kahapon, October 21, sinabi niyang okey naman siya ngayon at nagpapasalamat siya sa mga magulang niyang sina Gary at Angeli Pangilinan-Valenciano na gumabay sa kanya sa panahon ng pagsubok.

Saad niya, “I’m okay. You know what, I think the very big part of why I’m okay is because of my parents.

“They really showed me what it means to be a true parent. So with the guidance of also some of my friends and loved ones, I’m okay.”

Sa usapin naman ng mga pangyayari tungkol sa pagsasama nila ni Tricia, gusto raw niya itong panatilihing pribado at hindi niya dedepensahan ang kanyang sarili.

"Well, right now, definitely, we're trying to keep it as contained and as private as possible.

"Siyempre, at the end of the day, I just wish all the parties the best and wala na rin akong masasabi na hindi na nasabi.

“I wish to not really defend myself at this point. All I can say is I'm giving everything to God and siya na ang bahala."

Sa ngayon ay nananatili raw siyang positibo kahit na siya ay may mga pinagdadaanang pagsubok.

“I’ve learned my lesson many times when I was much younger.

“I’ve gotten to that point where puro good vibes na lang. If you noticed, my social media is all about positivity and living your life to the fullest. I’d rather keep it that way.”

Ang mahalaga raw na natutunan niya sa mga pangyayari ay ang kahalagahan ng pamilya at mga kaibigan.

Aniya, “I think a very big thing that I've learned is that to keep those who are close to you close because at the end of the day, they're the ones who are gonna be there for you no matter what.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think the number one beyond that pa is God matters.”

Matatandaang naibalita sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Setyembre na ang dahilan ng paghihiwalay nina Gab at Tricia ay dahil sa diumano'y pagtataksil ni Gab at issues sa pera.

Read: PEP EXCLUSIVE. Gab Valenciano-Tricia Centenera split caused by infidelity and money issue, says source

Samantala, sa huling panayam kay Tricia ng PEP, sinabi naman niyang nag-apologize sa kanya si Gab at ang mga magulang ng babaeng naiugnay sa kanyang asawa.

Read: PEP EXCLUSIVE. Tricia Centenera reveals Gab Valenciano, parents of other woman apologized to her


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN