Quezon City District 5 Rep. Alfred Vargas seeks long-term rehab projects for reformed drug addicts

IMAGE Rose Garcia

Quezon City District 5 Rep. Alfred Vargas is thinking of more concrete and long-term solutions for the full rehabilitation of reformed drug users: "Marami na ang sumuko pero we have to go beyond the suko, e. Iisipin mo, ano ang mangyayari after? Sa ngayon, I'm talking with barangay captains and they will have some rehab and livelihood."


Bilang isang artista at ngayon nga ay kongresista na sa kanyang ikalawang termino sa District 5 ng Quezon City, ang usaping droga ang isa sa hiningan ng komento ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Alfred Vargas nang makausap ito noong Biyernes, October 21 sa Ka Tunying’s Cafe, Timog, Quezon City.

“Siguro yung mga nakikita nating nangyayari, no one is exempted by being victimized by drugs,” saad niya.

Nakikita rin ba niya na sa ngayon, tila nase-sensationalize talaga kapag artista ang naiisyu sa droga?

“Kapag artista ka kasi, nama-magnify ang ginagawa mo.

“If you do something good, you’re elevated. If you do something bad, you’re crucified, di ba?

“Malagay ka sa diyaryo sa drugs, ang dami agad na nagre-react.

“Pero ang sa akin, siguro para maiwasan natin ‘to, mag-usap-usap na tayo, yung industriya natin, kahit informal lang.

“Mag-usap na lahat ng manager, mag-usap na lahat na ang mga actors, producers on how to deal with this.

“Kasi, maraming talents ang masasayang kapag hindi tayo gumawa ng paraan,” lahad niya.

SADDENED BY MARK'S ARREST. Bilang isang Congressman at artista rin, naitanong tuloy kay Alfred kung saan kaya siya tutulong tungkol sa isyung ito: sa artista o sa gobyerno?

“Well, for example, kung may artistang nangangailangan ng tulong, our office is open. Tutulungan nating ma-rehab.”

Nalungkot din si Alfred sa situwasyon ngayon ni Mark Anthony Fernandez na kaibigan ang turing niya at ilang beses na niyang nakasama sa ilang serye.

Ayon dito, “Nagkasama kami sa Darna, Impostora.

“Nalungkot ako kasi sayang.

“Talented siya at maraming umiidolo sa kanya and I know him personally, mabait si Mark.

“Mabait na tao si Mark at saka sana, mabigyan siya ng second chance.”

CELEB DRUG WATCHLIST. May mga listahan daw ng mga artista na involved sa droga.

May ideya ba siya sa mga nasa listahan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala e,” saad niya.

“Sabi nila, yung list daw, luma naman. Parang ia-update.”

Payag ba siya na pangalanan yung mga artistang involved?

Aniya, “Sa akin, I agree with Robin [Padilla] na huwag muna. Give them a chance muna.

“Pero kapag umabot na sa point at naka-ilang warning na, okey na.”

LONG-TERM PROGRAMS FOR REFORMED DRUG ADDICTS. Sa distrito raw niya, marami na ang sumukong mga drug addicts.

Sabi nga niya, “Marami na ang sumuko pero we have to go beyond the suko, e.

“Iisipin mo, ano ang mangyayari after?

“Sa ngayon, I’m talking with barangay captains and they will have some rehab and livelihood.”

Dugtong din niya, “Merong evident change na naramdaman tayo.

“Parang nabawasan ang siga, nabawasan ang gulo. Nabawasan naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN