Grae Fernandez recounts tearful visit to incarcerated dad Mark Anthony

IMAGE Mark Atienza

Grae Fernandez (right) on visiting dad Mark Anthony Fernandez for the first time at Angeles City Police Station 6 in Pampanga: "Opo, nadalaw ko na na po. Ayos naman po siya. Nung nakita ko po siya, okay naman siya, pero naiiyak po siya sa akin. First time ko po yung nakita."


Sa pagkakahuli kay Mark Anthony Fernandez dahil sa illegal possession ng marijuana kamakailan, naantig ang puso ng marami sa madamdaming Twitter post ng panganay na anak nitong si Grae Fernandez.

Ayon kay Grae, kahit na ano ang mangyari ay proud siyang maging anak ng aktor at ito ang 'best dad' para sa kanya.

My dad???

A photo posted by Grae Cameron G. Fernandez (@graefernandez) on

Si Grae ay anak ni Mark Anthony sa non-showbiz wife nitong si Melissa Fernandez at miyembro ng grupong Gimme 5 ng Star Magic.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Grae sa Star Magic Ball 2016, na ginanap sa Makati Shangri-la kagabi, October 22, emosyunal ang paliwanag sa amin ng batang aktor kung bakit ito ang ipinost niyang mensahe para sa nakakulong na ama.

Sabi niya, “Siyempre, para hindi siya masyadong mahusgahan ng mga tao, kasi di naman nila nakikita ang kabaitan ng tatay ko.

“Hindi naman nila nakita lahat sa personal life, nakita lang nila yung nasa balita.

“Pinost ko yun para makakuha sila ng idea kung gaano siya kabait na tao.”

TEARFUL VISIT. Ayon kay Grae ay nadalaw na niya ang ama sa Station 6 ng Angeles City Police sa Pampanga.

Sa kabila ng paniniguro ng batang aktor na nasa mabuting kalagayan si Mark Anthony, hindi naman itinago ni Grae na naiyak ito nang makapag-usap silang dalawa.

Lahad pa niya, “Opo, nadalaw ko na na po. Ayos naman po siya.

“Nung nakita ko po siya, okay naman siya, pero naiiyak po siya sa akin. First time ko po yung nakita.”

Sa batas natin ay non-bailable ang kasong kinasasangkutan ni Mark Anthony kung saan may tsansa daw na habang-buhay na itong mabilanggo.

Sa kabila nito ay nandun pa rin ang hiling ni Grae na sana ay makalabas ang ama at makalaya itong muli.

Aniya, “No comment na lang po ako diyan.

“Makalabas? Opo, siyempre po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GOING SOLO. Bagamat ipinapareha si Grae kay Andrea Brillantes, marami ang nagtaka kung bakit tila solo flight ang binata sa Star Magic Ball.

Paliwanag ng batang aktor, inaya niya ang kapareha pero tumanggi raw ito.

Kuwento niya, “Actually, tinanong ko siya kung gusto niyang mag-date kami today.

“Sabi niya next year na lang daw siya kasi masyado pa siyang bata.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN