Luis Manzano on real score with rumored GF Jessy Mendiola: "Our smiles speak for ourselves."

IMAGE Mark Atienza

Luis Manzano speaks up about his and rumored GF Jessy Mendiola's appearance as a couple at the recently-concluded Star Magic Ball 2016: "Hayun, kita ninyo yung tawa namin? That speaks for itself. Everyone, maiintindihan ninyo kung gaano naman kami ka-happy."


Sa kauna-unahang pagkakataon ay humarap na magkasama sa publiko ang nababalitang magkasintahan na sina Jessy Mendiola at Luis Manzano.

Sabay silang dumating sa katatapos na Star Magic Ball 2016 na ginanap kagabi, October 22, sa Makati Shangri-La Hotel, kunsaan ang TV host ang tumayong escort ng aktres.

Agad na tinanong ng PEP.ph at Cinema News si Luis kung ang pagsasama ba nilang ito ni Jessy in public ay ang pag-amin na rin ng tunay na estado ng kanilang relasyon?

“Our smiles speak for ourselves.

“Hayun, kita ninyo yung tawa namin? That speaks for itself.

“Everyone, maiintindihan ninyo kung gaano naman kami ka-happy.

“I mean, yung interview niya sa Tonight With Boy Abunda and our interview with you guys, I think it gives smiles on our faces and for me that’s the most important thing.”

“We’re jolly, we are ecstatic about everything that we have between us right now,” diin niya.

JESSY SPEAKS UP. Sa interview ni Jessy sa Tonight With Boy Abunda ay agad nitong sinagot na handa siyang pakasalan si Luis. Bagay na sinang-ayunan din naman ng TV host.

Ani Jessy, “That’s the reason why we’re together tonight.

“That’s the reason why we’re letting everything fall into place beyod the right path that's supposed to lead us.”

“Pakasalan? Ang pangit naman kung siya lang magpapakasal.”

PRIVACY. Sa huli ay tinanong din si Luis kung sa palagay ba niya ay mas stable ang isang relasyon kung manatili silang pribado pagdating sa mga detalye ng kanilang relasyon.

“You think so? Kumbaga kahit nga showbiz na nga kami, kahit di na namin i-showbiz pa talaga...

“Showbiz man kami, di rin kami showbiz,” pahayag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN