Angelica Panganiban denies reconciliation with ex-BF John Lloyd Cruz

IMAGE Mark Atienza

Despite having been spotted recently with ex-BF John Lloyd Cruz at a Makati resto, Angelica Panganiban denies any reconciliation, and says she's just happy that they're still friends


Spotted kamakailan ang dating magkasintahan na sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban sa Sarsa, isang Filipino restaurant sa Rockwell, Makati City,

Lumabas ang kuha ng dalawa kasama ang ilang staff ng naturang restaurant sa larawang pinost ng mga ito sa kanilang Facebook page noong nakaraang Lunes.

Read: Ex-couple John Lloyd Cruz and Angelica Panganiban spotted in Makati resto

Inasahan ng marami na sina Angelica at John Lloyd ang magkasamang darating sa Star Magic Ball na ginanap sa Makati Shangri-La kagabi, October 22.

Pero solong dumating si Angelica, samantalang kapareha naman ni John Lloyd ang dating president ng ABS-CBN at co-star niya sa pelikulang Ang Babaeng Humayo na si Ms. Charo Santos-Concio.

NO RECONCILIATION. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Angelica, agad nitong nilinaw na walang balikang naganap sa kanila ng ex-boyfriend

“Hindi. Hindi,” mabilis niyang tanggi.

Pero masaya naman siya na napanatili nila ang pagiging magkaibigan.

“Oo naman, yun naman ang maganda.”

Sa tanong naman kung may maaari kayang magkaroon sila ng second chance ni John Lloyd, maikli man ang sagot ay mukhang hindi isinasara ni Angelica ang posiblidad.

Aniya, “Hindi ko alam.”

ON JOHN LLOYD AND MAJA. Hiningan din ng reaksiyon ang aktres sa pagkaka-link ng ex-boyfriend sa kaibigan din niyang si Maja Salvador.

Kamakailan nga ay nagbigay pahayag din si Maja na masaya siyang lumalabas muli at magkaibigan sila John Lloyd at Angelica.

Pahayag niya, “Wala naman, matagal na silang magkaibigan.

“Mas nauna pa silang naging magkaibigan kaysa sa akin.

“Okay naman lahat kasi.”

Ayon sa aktres, ang focus niya sa ngayon ay ang kanyang showbiz career.

NEW MOVIE. Isa nga sa pinagkakaabalahan sa ngayon ni Angelica ay ang pelikulang The Unmarried Wife kung saan makakapareha niya muli sila Dingdong Dantes at Paulo Avelino.”

Patuloy niya, “Ngayon oo, excited sa lahat ng trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos na actually kami, malapit na siyang matapos.

“Well, habang tumatagal yung paggawa namin sa movie, mas marami akong nadi-discover sa lahat ng katrabaho ko, hindi lang sa mga artistang involved dun sa pelikula.

“Patagal nang patagal at habang nabubuo na namin yung kuwento at natatapos na siya, mas exciting na talaga siya sa pakiramdam.

“And mas excited ako, lalo na sa mga tao na mapanood ang isang bagong kuwento, isang bagong atake sa pagmamahalan na ibibigay ng Star Cinema.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN