Prince Stefan once flirted with Aljur Abrenica: "Niyaya ko siyang mag-bathtub."

IMAGE Instagram

In a recent podcast interview, Prince Stefan revealed that he once flirted with Aljur Abrenica, who then got shocked upon realizing that Prince was gay and was trying to hit on him.


Ibinunyag ni Prince Stefan na minsan niyang sinubukang makipag-flirt noon kay Aljur Abrenica.

Nilabas ni Prince ang kanyang rebelasyon sa isang guest appearance niya sa isang podcast noong nakaraang linggo.

Sina Prince at Aljur ay magka-batch sa Star Struck: The Next Level (2006-2007), ang reality-based talent search program ng GMA Network.

Si Aljur ang itinanghal na Ultimate Hunk noong panahong iyon, habang hinirang namang First Prince o 1st runner-up si Prince.

Hindi na rin itinatago ni Prince ang kanyang sekswalidad bilang isang gay.

Sa guesting ni Prince sa podcast na Good Times With Mo Twister nitong nakaraang Huwebes, October 20, naglahad siya ng maseselang impormasyon tungkol sa kanyang sex life, kay Aljur, at sa mga kapwa artistang closet gays.

HAVING SEX WITH FELLOW ACTORS. Sa isang punto ng interview, natanong si Prince kung paano siya nagkakaroon ng sex life noong mga panahong inililihim pa niya ang kanyang sekswalidad.

Pagbubunyag ng Filipino-Arabian actor, nahanap niya ito sa mga kapwa niya artista na tago rin ang pagkatao.

Sabi niya, “Mga kapwa ko ring artista na alam din nila.

“Parang pag alam mo kasing bakla ka, parang nararamdaman [ko] kung bakla ka, parang partly puwede tayong mag-usap.”

Kinumpirma ni Prince na nagkaroon siya ng sexual encounters sa mga kapwa niya aktor.

Aniya, “Yung mga tago din.”

Sinabi rin ni Prince na hanggang ngayon ay itinatago pa rin ng iba sa mga aktor na ito ang kanilang sekswalidad.

HITTING ON ALJUR. Inamin din ni Prince na minsan niyang sinubukang makipag-flirt noon kay Aljur.

Maaaring inakala noon ni Aljur na straight si Prince, kahit na may mga tsismis sa tunay nitong pagkatao, lalo pa't lalaki itong kumilos.

Kuwento niya, “May raket kami sa Bohol, tapos isa lang kami ng room.

“Nakita ko siyang nagbi-briefs, ako din nagbi-briefs, so parang inaya ko siyang mag-bathtub.

“Tapos, okay naman, pumunta kami kasi akala niya lalaki [ako], parang pare-pare.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagpapatuloy ni Prince, “Tapos, parang nilalandi-landi ko siya.

“Naramdaman niya siguro tinitingnan ko siya.

“Sabi niya, 'T*%gina mo, Prince!'

“Umangat na siya sa bathtub, tapos nag-towel na siya.

“Nailang na siya after that.

“Tapos, nag-request siya ng other room.”

Kinumpirma ng aktor na straight si Aljur.

Tinanong si Prince kung ilang beses itong nangyari sa kanya.

Sagot niya, “Pag nakapa kong bakla, napu-push ko yun.

“Pag hindi pa, pini-friend-friend ko muna.”

Tumanggi naman si Prince na pangalanan ang iba pang aktor na tinanggihan siya dahil tunay silang mga lalaki.

Nilinaw ni Prince na sa kabila ng insidenteng iyon ay nanatili silang magkaibigan ni Aljur.

“Tinatawanan na lang namin,” sambit niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN