Nilinaw ng current manager ni Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach ang pekeng balitang naaresto umano ang beauty queen sa Kuala Lumpur, Malaysia ngayong weekend dahil sa pagtatangkang magpuslit ng 10 kg ng cocaine sa bagahe nito.
Nag-post sa kanyang Facebook account ang tumatayong manager ni Pia na si Esther Swan upang itanggi ang balita, at sinabing hindi pa nagpupunta ng Malaysia si Pia at kasalukuyan itong nasa U.S.
Aniya sa kanyang Facebook account, “Not sure who the young woman is in this news post, but I hope help comes her way. Miss Universe, Pia Wurtzbach, has never been to Malaysia and has been working in the States for the past week.”
Naka-attach din sa post ni Esther ang link ng nasabing pekeng balita.
