Julio Diaz not dead: "Buhay na buhay ako."

IMAGE Screengrab from ABS-CBN

Julio Diaz denies report that he already passed on. He clarifies it was his younger half-brother, who has the same name as he has, who died of cardiac arrest at 55.


“Buhay na buhay ako,” pahayag ni Julio Diaz sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong umaga, Oktubre 24.

Napabalita kaninang madaling-araw sa PEP na namayapa na dahil sa cardiac arrest ang aktor.

Batchmate diumano ng kapatid ni Julio na si Lulu Datuin ang pinagmulan ng balita at ng screenshot na ito:

Ngunit ilang oras ang nakalipas, nakatanggap kami ng mga mensahe mula sa PEP contributor na si Eric Borromeo at dating film director na si Ces Evangelista na nagsasabing buhay pa nga raw si Julio.

Nitong umaga naman, nakatanggap na kami ng text mula kay Julio mismo na buhay nga siya.

“good morning julio!!!...... heto busy ako sa kasasagot sa bagong balita tungkol sa akin na PATAY NA DAW Ako. My answer is heto BUHAY NA BUHAY, kapatid ko sa ama [ang namatay] at kapangalan ko rin.

“Mas bata sa akin yun,” ani Julio nang tawagan namin sa kanyang cellphone.

Fifty-five years old ang namatay, samantalang 57 naman si Julio.

Kinumpirma naman ni Julio na kapatid nga niya si Lulu Datuin na siyang nag-post sa Facebook na namatay na ang kapatid nilang si Mariano Jun Regaliza.

Mariano de Leon Regaliza ang tunay na pangalan ni Julio, samantalang Mariano Regaliza Jr. naman ang pangalan ng namatay nilang kapatid sa ama.

“Siyempre nagkaroon din ako ng aneurysm, parang fresh pa yung ideya na may sakit ako.

“So, siguro nga, ginawa, expected na ang susunod na mangyayari dun, is a cardiac arrest.

“Siguro nagtahi-tahi na ano, na parang ako na nga yung namatay din!” natatawa pang sabi ni Julio sa kabilang linya.

“E, hindi naman ako. Ako 'to, si Julio!”

Humingi ang PEP ng paumanhin sa aktor dahil sa pagkalito sa post na ginawa ng kanyang kapatid.

“Wala iyon. Okey lang iyon,” sagot naman niya, sabay ang bilin na magbibigay pa siya ng update tungkol sa kanyang kalagayan sa mga susunod na araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Humihingi rin ng paumanhin ang PEP sa mga mambabasa sa pagkalito at pag-aalalang dulot ng naunang balita tungkol kay Julio Diaz.

Samantala, binura na ni Lulu Datuin ang nauna nitong post at klinaro na ring, "My half-brother 'Mariano Julio Diaz' De Leon Regaliza, who is an actor, is still alive."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN