Janella Salvador stays out of Elmo Magalona-Janine Gutierrez breakup

IMAGE Allan Sancon

Bagamat siya ang kapareha ngayon ni Elmo Magalona, nilinaw ni Janella Salvador na wala siyang kinalaman sa pakikipaghiwalay ng actor-rapper sa Kapuso actress na si Janine Gutierrez. Ngunit ayon sa Kapamilya actress-singer, "If I have to comfort, I'm gonna be here for him naman."


Iginiit ni Janella Salvador na wala siyang kinalaman sa breakup ng kanyang ka-love team na si Elmo Magalona at ng Kapuso actress na si Janine Gutierrez.

Nababanggit ang pangalan ni Janella sa pagtatapos ng relasyon ng dalawa dahil siya ngayon ang katambal ni Elmo, mula nang lumipat ang actor-rapper sa ABS-CBN galing sa GMA Network.

Ito ay sa kabila ng paglilinaw ni Janine na kakulangan ng oras para sa isa’t isa ang dahilan ng breakup nila ni Elmo.

Read: Janine Gutierrez and Elmo Magalona break up

Kaya nang tanungin kung ano reaksiyon niya sa hiwalayan nina Elmo at Janine, ito ang naging sagot ng Kapamilya actress-singer:

“Ako, ang reaction ko diyan, wala, kasi as long as I know na wala naman akong ginawang masama, I’d rather stay out of that ‘coz I’m not involved naman.”

Ngunit sinabi rin ni Janella na nalulungkot siya para kay Elmo.

“Of course I do feel bad. But I’m always gonna be here for Elmo, siyempre more for Elmo ‘coz he’s my friend.

“If I have to comfort, I’m gonna be here for him naman.”

May posibilidad bang ma-develop sila ni Elmo mula sa pagiging magkapareha at magkaibigan?

Sagot ni Janella, “Tingnan natin. He’s very caring as a friend, he will always think of others din.”

JANELLA'S AWARD. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Janella sa Star Awards for Music and Television ng Philippine Movie Press Club (PMPC), na ginanap sa Novotel Hotel, nitong Linggo ng gabi, October 23.

Si Janella ang itinanghal na Best New Female Recording Artist of the Year.

Pahayag niya tungkol sa kanyang award, “Hindi ko ito in-expect.

“Sobrang happy ako kasi last year nag-release ako ng album and this is my first award sa music.

“Sobrang thankful ako na na-recognize, hindi ko talaga in-expect.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Music is really a big part of my life. I’m just so happy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN