Robin Padilla reveals Maging Sino Ka Man was his 'real love story' with Sharon Cuneta

IMAGE Allan Sancon (Sharon)/ Noel Orsal (Robin)

Robin Padilla reveals Sharon Cuneta was the reason she wanted to be an actor: "She was my idol and I love chasing her everywhere."


Ipinost ni Robin Padilla sa kanyang Facebook account ang video clip ng concert ng Megastar na si Sharon Cuneta kamakailan.

Dumalo ang aktor sa naturang concert kasama ang kanyang panganay na anak na si Camille, anak ni Robin sa dating aktres na si Lea Orosa.

Sa nasabing concert na ginanap sa Solaire Resorts and Casino, sa Pasay City, noong October 15, inilahad ni Sharon na muntik na niyang pakasalan si Robin.

Ibinahagi rin ni Sharon sa audience ang dahilan kung bakit hindi sila nagkatuluyan.

Read: Sharon reveals she almost married Robin Padilla; Megastar becomes emotional during concert

Nagtambal ang dalawa sa blockbuster hit na Maging Sino Ka Man (1991), kung saan nabuo ang pag-iibigan nila.

ROBIN’S REVELATION ABOUT SHARON. Sa caption ng kanyang Facebook post, sinabi ni Robin na idolo niya si Sharon at ito ang dahilan kung bakit siya naging artista.

“Sharon was the main reason why I became an actor, she was my idol and I love chasing her everywhere, so I decided to pursue the biggest dream of my childhood.”

Sabi pa ng aktor, ang pelikulang Maging Sino Ka Man ay sumasalamin sa tunay na pagmamahal niya kay Sharon — ang pagmamahal ng isang “bad boy” sa isang mayamang babae.

“Maging Sino Ka Man is in reality my real love to Sharon; played by Carding to Digna.”

Ginampanan ni Robin ang role ni Carding, habang si Sharon naman ay Digna.

Dugtong pa ni Robin, “Walang kahit na isang eksena ang umarte ako sa pelikulang ito.

“Lahat ng dialogue ko sa pelikulang ito ay ako ang pinasulat at pinagawa ng alamat [na si] Direk Eddie Rodriguez, dahil alam ng batikang arista na ako mismo ang character ko bilang si Carding Sungkit and in front of him is a very real love story of a bad boy and a rich famous girl.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN