Mocha Uson to petitioners against her FB blog: "You cannot take away my voice."

IMAGE Courtesy: Mocha Uson Blog on Facebook

Palaban si Mocha Uson sa kanyang pahayag sa Facebook ngayong gabi ng Lunes, October 24. May kaugnayan ito sa isang petisyon sa www.change.org kung saan nais ng mga pumirma na suspendihin ng Facebook ang kanyang account na Mocha Uson Blog.


Nanganganib na nga bang masuspinde ang Mocha Uson Blog page sa Facebook?

Ngayong Lunes, October 24, isang petisyon ang nilikha ng isang nagngangalang Paul Quilt sa www.change.org upang ipatigil ang Facebook page ng sexy singer-dancer na si Mocha Uson.

Si Mocha ay kilalang die-hard supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nasa lagpas 4,327,000 na ang followers ng Mocha Uson Blog, kung saan inihahayag ni Mocha ang kanyang saloobin sa mga aktibidad ni Pangulong Duterte at sa mga sumasalungat sa Pangulo ng Pilipinas.

Ang pamagat ng petisyon ni Paul Quilt ay ‘Suspend Mocha Uson Blog on Facebook.’

Nakasaad sa petisyon na ang account ni Mocha sa Facebook ay nagpapakalat diumano ng mga haka-haka at maling impormasyon tungkol sa mahahalagang isyu sa bansa.

Bahagi ng naturang petisyon ay nagsasabing, “[Mocha] uses her Facebook page to spread fictitious and false information about pressing issues in the Philippines, from the role the USAID plays in the country to malicious and false news concerning government officials, eliciting unwarranted hate from the public.

“The said Facebook page widens the rift between those who support the current administration and those who are critical of it.”

Habang isinusulat ang artikulong ito ay nasa mahigit 28,000 na ang pumirma sa nasabing petisyon.

Ang target na pirmang maaabot ay nasa 35,000 upang tuluyan na itong maipasa sa Facebook.

“WE WILL NOT BE SILENCED.” Ngayong gabi, naghayag ng kanyang pahayag si Mocha tungkol dito.

Sabi niya, kahit magtagumpay ang nagpetisyon upang suspendihin ang kanyang Facebook blog ay hindi siya maaaring manahimik para sa kapakanan ng maliliit na Pilipino.

Aniya, “This is what they want, this is their dream, for their truth to be the whole truth.

“They want to apply freedom of speech only to those they have chosen, while silencing the voice of ordinary people who opposes their view.

“I say to you, you can take away my blog, you can ban me from all social media platforms, you can take away my freedom; BUT you cannot take away my love for this country, you cannot take away my voice, you cannot take away the voice of ordinary people. We will NOT be silenced!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasunod nito, nag-Facebook Live din si Mocha upang ipaabot sa kapwa Duterte supporters ang kanyang saloobin tungkol dito.

Nagpadala ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay Mocha, sa pamamagitan ng text message, kung may nais pa siyang idagdag sa kanyang naunang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN