Kim Chiu admits hesitation in working again with ex-boyfriend Gerald Anderson

IMAGE Noel Orsal

Kim Chiu on working with ex-boyfriend Gerald Anderson: "Nung una siyempre medyo alangan ako, sobra. Pero sabi nga ni Mr. M, 'Bakit hindi mo tanggapin yung challenge? Isipin mo mas challenge ito sa career mo since hindi ka na teenager, hindi ka na tweetums, hindi ka na pa-cute.'"


Diretsahang sinabi ni Kim Chiu na trabaho lang at walang halong malisya ang pagtanggap niya ng proyekto kasama ang ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson.

Magkasamang humarap ang dalawa sa presscon para sa bagong teleserye ng ABS-CBN na Ikaw Lang Ang Iibigin, na ginanap kagabi, October 24,

Dito ay tinanong si Kim kung payag ba siyang magkaroon sila ng kissing scene ni Gerald.

Sagot ni Kim, “Grabe siya. Diinan natin... Wala pa po kaming nagagawa [na kissing scene].

“Pero siyempre trabaho naman po yun, iba naman yung trabaho sa personal.

“Masaya naman po kami sa personal; masaya po siya, masaya po ako...

“Actors po kami, professional naman po kami, we're doing this for ten years na.”

Gayunman, aminado si Kim na sobra siyang nag-alangan noong una niyang nalaman na may nilulutong proyekto para sa kanila ni Gerald ang ABS-CBN management, partikular na ang Dreamscape business unit.

“Tao lang naman ako siyempre.

“Pero sabi nga ni Mr. M [Johnny Manahan, Star Magic chairman emeritus], 'Bakit hindi mo tanggapin yung challenge?

"'Isipin mo mas challenge ito sa career mo since hindi ka na teenager, hindi ka na tweetums, hindi ka na pa-cute.'

“Tapos ang tagal na rin naming hindi nagkaka-work, mga six o seven years [ago pa].

“Tapos ang dami na rin nangyari sa career lives namin and siyempre sa personal lives namin.

“This is something new na mai-offer ko sa mga taong sumusuporta talaga sa akin.”

Sa huli, kapansin-pansin ang paraan ng pagsagot ni Kim nang tanungin kung ano ang pinakana-miss niya kay Gerald.

Sabi ng Kapamilya actress, “Hindi siguro miss, look forward siguro.

“Siyempre nag-mature na kami, naging wiser, nag-grow na rin kami.

“So, look forward siguro, hindi miss.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN