Sam YG reveals he was bullied for being Indian

IMAGE Instagram (@_samyg)

Sam YG reveals that a number of kids would bully him when he was in grade school and would call him 'Bumbay,' 'mabaho,' '5-6.'


Biktima ng bullying noong grade school ang DJ at TV host na si Sam YG.

Ito ang rebelasyon ng radio-TV host sa press conference ng Vintage Trip, ang bagong programa niya sa GMA News TV na mag-uumpisa sa Sabado, October 29, 11:30 A.M.

Ayon kay Sam, tinutukso siyang 'Bumbay,' 'mabaho,' at tinatawag na '5-6' ng mga kaklase na paboritong paglaruan ang pagiging Indian niya.

“Wala akong laban. Masyadong marami, e.

“Mga bente, fifteen, binu-bully ka, paano ka lalaban, di ba?

“I remember, there were days na I had to cry, sa bahay na.

“Iiyak ako, parang sinasabi ko sa mom ko, ‘Bakit ganyan, Mom? Bakit ganyan? What’s Bumbay? Why are they telling me, mabaho raw ako, 5-6?’

“At that the time, bagets ako, yung ego mo napakaliit. It’s easy to crush your ego,” pagbabalik-tanaw ni Sam.

Nang tumuntong ng high school, ginamit daw ni Sam ang reverse psychology para mahinto na ang ginagawa sa kanya ng mga kaklase niya.

“Nung high school, tinatawag ako na Bumbay, dito ko na inilabas yung nag-i-Indian accent ako.

“‘Okay, tell me what do you want from me, I will do it for you.’

“Siyempre, parang ni-reverse ko na lang. Ginawa ko na lang joke lahat.”

Patuloy niya, “Heto ang nakakatawa, maaalala mo yung mga nag-bully sa 'yo, lalo na kapag bata ka.

“It’s funny na for the past two years, may mga dating kaklase ako na nagsabi na, ‘Sam, host mo naman yung wedding ko.’

“Ayoko nang mag-name drop, pero I had three people who bullied me so much when I was a kid, as in paiyak levels, na ngayon biglang, ‘O, Sam, host mo naman yung wedding ko.’

“Siyempre, siguro nakalimutan na nila, pero ikaw maaalala mo kung sinong nanakit sa ‘yo, di ba?”

Pero nag-move on na raw si Sam mula sa pananakit ng damdamin sa kanya ng mga dating kaklase.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Sa akin kasi, water under the bridge na, e.

“Bata ka pa noon, they hired you to do a job to host the wedding, okey na.

“What’s the point? If you can’t make peace with your past, how can you move on to the future?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN