Mocha Uson supporter creates counter-petition against anti-Mocha blog petitioners

IMAGE Courtesy: Mocha Uson Blog

Gumawa ng kontra-petisyon ang isang supporter ni Mocha Uson sa www.change.org upang labanan ang naunang petisyon upang suspendihin ang Facbook account ng singer-dancer. Sa ngayon, halos nasa 30,000 na ang mga pumirma rito.


Isang counter-petition ang inihain ng isang supporter ni Mocha Uson sa www.change.org.

Ito ay kaugnay sa petition ng isang nagngangalang Paul Quilt upang suspendihin ng Facebook ang Mocha Uson Blog.

Read: Mocha Uson to petitioners against her FB blog: "You cannot take away my voice."

Ayon kay Sheryl Anne Florence, na mula sa Halifax, Canada, ang nasabong petition laban kay Mocha ay paglabag pangkaraniwang mamamayan na makatanggap ng impormasyon tungkol sa mga plano at proyekto ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nanawagan din siya sa mga bumoto kay Pangulong Duterte na suportahan si Mocha sa layunin nitong maiparating ang mga 'tamang balita' tungkol sa gobyerno, na hindi raw naibabalita nang tama sa mainstream media.

Narito ang laman ng petisyon ni Sheryl Anne:

“A petition trying to stop MOCHA USON Blog from informing the Filipino public of President Duterte's plans and projects for the Filipino people have been doing the rounds online.

“Her blog site earned a lot of followers due to its ability to reach out to the common Filipino people giving honest and true information to the public.

“We have to stop them from silencing someone who can reach out even to the most elementary of the common tao.

“If we allow them to silence MOCHA USON, the elite and media together with blog sites against the Duterte government will feed the people twisted news and wrong information.

“It is time the ordinary people who voted for President Duterte and who support MOCHA USON take a stand.”

“SALAMAT PO.” Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, nagpasalamat naman ang die-hard Duterte supporter (DDS) na si Mocha kay Sheryl Anne.

Sabi niya, “Salamat po sa gumawa ng counter-petition na ito at sa mga nag-e-effort na mag-sign upang ipagtanggol ang page na ito.

“Kahit kaunti o marami man ang sumuporta ay malaki ang aking PASASALAMAT sa inyo. At sa mga taong gustong magpatahimik sa akin—GOD BLESS you more.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“WE DON’T DIE, WE MULTIPLY!” Kasunod nito ang pagbahagi ni Mocha ng isang mensahe ng suporta mula sa isang grupo ng mga tagahanga ni Pangulong Duterte.

Saad niya, “Ty to DDS News for this. Hindi nila tayo kayang patahimikin. We don't die, we multiply!

"So just you know, we the DDS, we are the Mocha Uson Blog. Every DDS is Mocha Uson.

“Even if you succeed in taking her page down, another page will rise then another and another.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN