Tintin Bersola-Babao reveals craziest thing she did as avid AlDub fan

IMAGE Glen Sibonga / Tintin Babao Instagram

Tintin Bersola-Babao on AlDub bashers: "Nakakalungkot kasi parang bakit kailangang mang-bash. Bakit hindi na lang maging happy, di ba?"


Hindi lingid sa kaalaman ng marami na si Christine 'Tintin' Bersola-Babao ay isang masugid na tagahanga ng tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza na AlDub.

Hindi ba nababaliw ang asawa niyang si Julius Babao sa pagiging AlDub fan niya?

Sagot ng TV host, “Hindi. Kasi bago ko pa ma-meet si Julius, fan girl na talaga ako.

“Isa akong fan, kaya nga ako nag-Star News [ng TV Patrol], e. Kaya nga ako nag-audition bilang Star newscaster dahil mahilig talaga ako sa artista.

“Super fan talaga ako ni Sharon Cuneta.

“Kaya nga noong may ginawa kaming movie [Kung Ako Na Lang Sana, 2003], kasama si Aga [Muhlach], tuwang-tuwa ako.

“So, that’s why nadala ko pa rin hanggang ngayon yung pagiging fan ko.

“Fan ako ng Sharon-Gabby [Concepcion] to Sharon-Richard [Gomez], tapos naging fan ako ng Jericho-Tin [Jericho Rosales at Kristine Hermosa].

“Tapos ngayon, eto na, AlDub naman.

“Pero fan din ako ng LizQuen [Liza Soberano at Enrique Gil], fan din ako ng KathNiel [Kathryn Bernardo at Daniel Padilla].

“Pero mas super loka-lokang fan ako ng AlDub.”

NINANG DUB. Dahil nga sa pagiging AlDub fan niya ay ilang beses pinanood ni Tintin ang pelikulang Imagine You And Me na pinagbidahan ng dalawa.

Sinusubukan niya ring maging present sa mga event na naroon sina Alden at Maine, gaya na lang ng Adub Nation Festival 2016 na ginanap sa SMX Convention Center noong October 16.

Present din siya sa selebrasyon ng first anniversary ng AlDub.

“Ninang Dub” na nga ang tawag sa kanya ngayon bilang ninang sa kasal nina Alden at Yaya Dub sa Kalyeserye.

May nakatutuwang kuwento pa si Tintin sa kakasunud-sunod niya sa AlDub.

“Nasa Instagram ko iyon, hinabol ko sila sa parking lot.

“Nakakatawa ‘to, hawak-hawak ko yung phone ko, e, di hinabol ko sila.

“Gusto ko kasing makita yung pagsakay nila sa sports car, magde-date na sila, after ito ng Imagine You And Me [premiere] sa Megamall.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Di ba, sa parking lot, mayroong daanan sa gilid, akala ko flat, semento, iyon pala kaya pala may takip na tarpaulin butas iyon, yung may kanal.

“So, ako, nawala ako sa camera. Lumusot yung shoes kong ganun!

“Kitang-kita ni Alden at saka ni Maine. Napaganun sila, e, ‘Okay lang po kayo, Ms. Tin?’

“Natigalgal sila pareho. ‘Okay lang ako. Okay lang ako.’

“Tapos sumakay na sila sa sports car nila.

“Iyon ang pinakabaliw kong ginawa. Hinabol ko sila, tapos nahulog ako sa kanal.

“Tapos na-video ko iyon, ilang beses na-repost iyon.

“At saka mahal yung shoes ko, ha, Louboutin yun. Nakaskas talaga yung leather.

“Sabi ko, eto na talaga yung souvenir ko of being a loka-lokang AlDub fan!” sabay tawa niya.

Ano naman ang sinasabi nina Alden at Maine sa kanya sa tuwing nakakasama niya ang dalawa?

“Anong sinasabi? Thank you sa suporta. Lagi namang ganun, e, kaya happy ako.”

Nagpapasalamat nga si Tintin sa AlDub Nation sa pagtanggap sa kanya bilang fan din ng AlDub.

Binigyan pa siya ng mga ito ng advance birthday cake para sa kanyang kaarawan sa Oktubre 30.

ON BASHERS. Hindi ba siya naba-bash at sinasabihang nakikisakay lang siya sa kasikatan ng AlDub?

Saad ni Tintin, “Hindi naman.

“Masasabi ko nga sa tagal ko naman dito [sa industriya], more than 20 years na akong naghu-host. Established naman na ako na host.

“Before pa naman dumating yung AlDub, mayroon naman na akong na-accomplish na at saka napatunayan.

“So, alam mo iyon, I’m so comfortable on my own skin and whatever I have accomplished sa buhay ko, and wherever I am now, masyado nang mababaw para pag-ukulan ko pa ng pansin ang bashers.”

Patuloy niya, “Actually, hindi ko pa naririnig iyan [isyu ng nakikisakay], pero kung meron, iniisip ko na lang siguro hindi pa sila nabubuhay noong nag-i-Sineskwela [ABS-CBN ‘90s children show] na ako, or yung nagti-TV Patrol ako, o yung nag-a-Alas Singko Y Medya kami ni Julius na for ten years naming ginawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro hindi pa sila ipinapanganak noong panahong iyon. Pero okay lang.”

Kung siya ay hindi naba-bash, ang mga idolo niya ay madalas ma-bash sa social media.

Nalulungkot ba siya kapag nakakabasa siya ng pamba-bash kina Alden at Maine?

Sagot ni Tintin, “Super… alam mo naman ako e, super fan.

“Nakakalungkot kasi parang bakit kailangang mang-bash.

“Bakit hindi na lang maging happy, di ba?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Tintin sa media launch ng Be A Wall at #WallAgainstDengue campaign na ginanap kaninang tanghali, Oktubre 25, sa Monet Ballroom ng Novotel Manila.

Bukod kay Tintin, dumalo rin ang dalawa pang celebrity advocates at anti-dengue vaccine ambassadors na sina Maricel Laxa-Pangilinan at Paolo Abrera. Naging resource speaker naman ang president ng Philippine Foundation for Vaccination na si Dr. Lulu Bravo.

BLOOD BUDDIES. Hihimukin daw ni Tintin sina Alden at Maine na magpa-vaccine kontra sa dengue kung sakali mang hindi pa ito nagagawa ng dalawa.

Isa kasi si Tintin sa celebrity advocates ng Be A Wall at #wallagainstdengue campaign ng Sanofi Pasteur, ang vaccine division ng multinational pharmaceutical company na Sanofi.

Sabi ng TV personality, “Pag nakita ko sila ulit, kakausapin ko sila.

“Una, pareho kami nina Maine at Alden na active sa Red Cross.

“Una kong tatanungin pag nakita ko sila, anong blood type nila?

“Kasi malay mo magka-blood type pa sila, so blood buddies sila.

“Kasi ako, ang blood type ko, B.

“Hindi ko pa natatanong sa kanila. So, naisip ko lang ngayon, tatanungin ko.

“Kasi maganda, di ba, pag matched ang kanilang dugo, puwedeng salinan ng dugo ni Alden si Maine or vice versa pag kailangan.”

Bilang self-confessed fan ng AlDub (Alden-Yaya Dub), siyempre inaalala rin niya ang kalagayan ng dalawa.

Saad ni Tintin, “Dahil ang dami nilang raket, kabi-kabila, ayokong magkasakit sila.

“So, ang mangyayari ay kailangan magpa-dengue vaccine sila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alam ni Tintin ang hirap na magkasakit ng dengue dahil tatlong beses na raw siyang tinamaan ng mosquito-borne disease na ito.

Gusto rin daw niyang kausapin sina Alden at Maine para himukin ang AlDub fans na magpa-vaccine kontra dengue at tumulong sa campaign para makaiwas na magkaroon ng isa sa killer diseases sa Pilipinas.

Ang anti-dengue vaccine ay puwede sa mga nasa edad 9 hanggang 45.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN