Newcomer Bruno Gabriel dismisses 'palakasan' behind big break in showbiz

IMAGE Noel Orsal

Ang baguhang aktor na si Bruno Gabriel ay anak ng dating aktres na si Lani Lobangco. Siya ang gaganap na ka-love triangle nina Joyce Ching at Kristoffer Martin sa bagong Kapuso drama series na Hahamakin Ang Lahat.


Itinanggi ng newcomer na si Bruno Gabriel na malakas siya sa GMA Artist Center ng GMA Network kaya siya ang napili para maging third wheel sa love team nina Joyce Ching at Kristoffer Martin sa upcoming afternoon drama series na Hahamakin Ang Lahat.

Si Bruno ay anak ng Binibining Pilipinas 1998 candidate-turned-actress na si Lani Lobangco at pamangkin ni Rachel Lobangco.

Ayon kay Bruno, “Actually, I don’t like the term na malakas sa Artist Center, I mean naiintindihan ko po yun.

“Pero for me, mas thankful lang ako and, at the same time, I feel responsible po, especially magagaling at matatagal [na sa showbiz] ang mga kasama ko.

“Everybody is really supporting me.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bruno sa presscon ng Hahamakin Ang Lahat nitong Martes ng gabi, October 25, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Matagal daw bago nakumbinsi ng 20-year-old aspiring actor ang kanyang mga magulang, lalo na ang ama niya, na payagan siyang pumasok sa showbiz.

Reportedly, ito ang dahilan kaya hindi ginamit ni Bruno ang family name ng kanyang ama.

Ayon kay Bruno, malaking tulong ang suporta ng kanyang co-stars sa Hahamakin Ang Lahat sa mga paghahanda niya sa bagong mundo na ginagalawan.

Saad niya, “Communicating with these guys, for me, I think, isang malaking bagay sa pag-arte ay mag-build ng chemistry sa co-actors mo.

“Napi-feel ko yung pagmamahal sa art and yung pagiging matulungin ng mga kasama ko sa akin.”

Ipinagtapat ni Bruno na napapagalitan siya ng kanyang ina na palaging nagbibigay sa kanya ng tips sa pag-arte.

“Minsan nagagalit siya sa akin, ‘Bakit ganyan ang playback mo?’

“For her, binibigyan niya ako ng advice on how she did it, how she thinks she would approach my role.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN