Eula Valdes rescues relationship with boyfriend Rocky Salumbides

IMAGE Noel Orsal

Inamin ni Eula Valdes na may pinagdaanan kamakailan ang relasyon nila ng longtime boyfriend niyang si Rocky Salumbides, ngunit nagawa nila itong isalba. Pahayag ng aktres, "Dun ko lang din na-prove sa sarili ko kung hanggang saan pala ang kaya kong tanggapin."


Inamin ng aktres na si Eula Valdes na may pinagdaanan kamakailan ang relasyon nila ng boyfriend niyang si Rocky Salumbides.

May mga nakapansin kasi nung mga panahong iyon na ang mga Facebook post ni Eula ay may ibang kahulugan, na tila nagkakalabuan sila ng kasintahang model-actor.

“Okay, okay na okay,” ang sagot ni Eula nang kumustahin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Hahamakin Ang Lahat, sa GMA Network Center, kagabi, October 25.

Iyon daw ang unang pagkakatong naging “on-the-rocks” ang relasyon nila ni Rocky.

Lahad pa ni Eula, “Nagkaproblema talaga kami.

“Nagkaproblema talaga kami pero hindi na ako mag-aano into details.

“Pero first time kong ipinaglaban!

“Masaya nga ako kasi yung mga co-actors ko, sa Calle Siete, na kasama ko rin sa Princess In The Palace, sila-sila rin yun, e, lahat sila parang... alam mo yun, ang advice sa akin, ‘Go for it!’

“Ganun. Kasi kilala din nila si Rocky.

“Tapos hindi lang yun, pati mga anak ko.”

Close din daw kay Rocky ang dalawang anak ni Eula na sina Miguel at Juliana.

Patuloy ng 47-year-old actress, “Tapos tinatanong ko, ‘Ano ba, bayaan ko na ‘to, deadmahin ko or what?’ Ganyan.

“Tapos sabi nila, ni Miguel lalo, ‘Iyon ba talaga ang gusto mo, pabayaan? So, itatapon mo na lang ba yung eight years?’

“Sabi ko, ‘E, hindi pag okay, pagpalagay nating eight years, yung eight years ba na yun... wala naman yun sa tagal ng panahon, e.’

“Pero naisip ko, ‘Oo nga.’

“Sobrang bait na tao ni Rocky, wala akong maisip na rason para magalit sa kanya.

“Na first time kong ipinaglaban yung love sa buong buhay ko.”

Princess in the Palace:)

A video posted by eulavaldes (@eulavaldes) on

FIGHT FOR LOVE. Kung wala palang dahilan para magalit siya kay Rocky, bakit nagkaproblema sila?

Sagot ni Eula, “Basta hindi ko na sasabihin.

“Hindi ko na sasabihin, pero dun ko lang din na-prove sa sarili ko kung hanggang saan pala ang kaya kong tanggapin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, hinamak niya ang lahat?

“Korek, pasok na pasok pala sa akin ‘yan, sobra!” pagtukoy ni Eula sa titulo ng kanilang teleserye na Hahamakin Ang Lahat.

Dagdag pa niya, “And sinabi ko pala kay Miguel, ‘O, sige, gagawa ako ng paraan.’

“I mean, aayusin ko kasi ayoko din na dumating yung time na, ‘What if sinave ko?’

“Hindi ko malalaman yun kung hindi ko gagawin, di ba?”

Bakit siya lang ang nagse-save ng relasyon, bakit hindi pati si Rocky?

“Siya ay ano, confused! Sobrang confused,” sambit niya.

Kaninong parte ang mas malaking problema bago niya naayos?

“Sa kanya,” pag-amin ni Eula.

Kaya siya ang nag-ayos?

“Hindi ko inayos, nagpakita lang ako. Pumunta ako sa kanya and then, alam mo, umokay lahat.”

STRONGER RELATIONSHIP. Isang buwan daw naghiwalay sina Eula at Rocky noong kasagsagan ng problem nilang dalawa.

Pero mas tumibay raw ang relasyon nila ngayon matapos ang kanilang pinagdaanan.

Sabi ng Kapuso actress, “Sobra! Feeling ko, ha?

“Ayoko nang magsalita kasi bago nangyari ito, nag-guest ako may Marian [Yan ang Morning! ni Marian Rivera], and sabi ko kung gaano ako ka-love ni ano…

“Hindi, ito naman, walang kuwestiyon na mahal ako ni Rocky, meron lang akong mga pagkukulang na nakapag-push sa kanya doon sa hindi magandang nangyari.”

So, kasalanan ni Eula?

“Hindi talaga!” bulalas niya.

“Kasi hindi naman ako gumawa, e. Pero meron akong pagkukulang.

“May pagkukulang ako na matagal na, hindi lang buwan, taon.”

Third party ba ang dahilan?

“Hindi ko puwedeng sabihin,” ang mabilis na sagot ni Eula.

May nagtanong kay Eula kung hindi ba niya kayang mabuhay nang wala si Rocky.

Tugon niya, “Kaya ko. Kasi inisip ko ‘yan, siyempre inisip ko ‘yan.

“Eto nga, e, kaya din… sobrang lakas ng personalidad ko, hindi naman na sinasabi ko na hindi ako magbi-bend dahil sa lalaki.

“Ang tagal kong mag-isa, ako ang bumuhay sa mga anak ko, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, anong pakialam ko sa kanila, di ba?

“Pero hindi, e. Na-realize ko na mahal ko nung nawala.

“Nung nawala. In one month.”

Patuloy ni Eula, “At saka hindi, ano din, e, yung pinahupa ko muna yung galit ko, pinahupa ko yung galit ko.

“Kasi ayokong may gagawin ako na hindi ko na maibabalik.

“So, pinag-isipan ko talaga lahat, dasal ako nang dasal, for guidance, nag-novena ako.

“Tapos mga anak ko, tinatanong ko pa rin opinyon nila siyempre, importante yun.

“Pero yun, napag-usapan talaga namin na kung hindi mo yun gagawin, hindi mo malalaman kung maaayos mo yun, kung hindi mo gagawin.”

Sinabi raw iyon ni Eula sa sarili niya.

“At saka iyon din ang advise ng mga anak ko.”

Masasabi ba ni Eula na ‘love is sweeter the second time around’?

“Definitely!” bulalas niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN