Host of toprating TV show included in new PNP drug watchlist

IMAGE Courtesy: GMA Network, Inc.

Umabot sa 54 celebrities ang naksama sa bagong listahan ng Philippine National Police na sangkot diumano sa ipinagbabawal na gamot. Kabilang na rito ang host ng isang toprating show at ilang TV at radio personalities.


Nagsumite ng 54 pangalan ng celebrities ang Philippine National Police (PNP), sa pamumuno ni PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang daw sa talaan na ito ang isang host ng isang toprating TV show na hindi pa pinangalanan.

Ayon sa ulat ng GMA News online, sinabi ni Gen. dela Rosa na nakalap nila ang mga pangalan ng celebrities na ito mula sa pag-iimbestiga sa mga nahuli nilang drug suppliers.

Saad niya, "Yung listahan na nai-submit [kay President Duterte] is 54.

“Ang basis nito, yung mga celebrities na nahuli natin, yung mga celebrity suppliers na sila yung pinagbebentahan nila.

“Sila yung mga customer. Nakuha natin yung mga pangalan doon at umabot sa 54.”

Nitong mga nakaraang buwan ay nahuli ang celebrities na sina Sabrina M, Krista Miller, Karen Bordador, at Mark Anthony Fernandez kaugnay ng ipinagbabawal na gamot.

Ang listahan daw na ito ay iba pa sa nauna nang naibigay ng PNP chief sa Malacanang.

Read: 30 celebs on drug watchlist submitted to Malacaang, says PNP chief

CONFIDENTIAL LIST. Ayon pa sa ulat, sinabi rin ni NCRPO regional director Chief Superintendent Oscar Albayalde na bukod sa isang host ng isang toprating show, kasama rin sa listahan ang ilan pang TV at radio personalities, pero wala umanong broadcast journalist.

Ang pagsasapubliko raw ng mga pangalan na ito ay nakadepende sa desisyon ni Pangulong Duterte.

“It's being kept confidential. Up to President Duterte kung ilalabas or not.

“Pero ang sa amin is, this list came about from different information gathering.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN