PHL bet Nicole Cordoves is 1st runner-up in Miss Grand International 2016; booed for choosing Trump over Clinton

IMAGE Miss Grand International Facebook Page

Philippines' Nicole Cordoves on why she picked Donald Trump over Hillary Clinton to end war and violence: "If we choose him to switch to our side, there won't be war and violence anymore."


Itinanghal na 1st runner-up sa katatapos lang na Miss Grand International 2016 ang pambato ng Pilipinas na si Nicole Cordoves.

Ginanap ang grand coronation night nitong October 25 ng gabi (October 26 sa Pilipinas), sa Westgate International Theater, sa Las Vegas, Nevada, USA.

Ipinasa ni Miss Grand International 2015 Claire Parker ang kanyang korona sa kandidata ng Indonesia na si Ariska Putri Pertiwi.

Sa loob ng apat na taon ng Thailand-based beauty pageant, ito ang ikatlong beses na nakapasok sa Top 5 ang kandidata mula sa Pilipinas.

Noong 2015 ay naging 2nd-runner up si Parul Shah; habang 3rd runner-up naman si Annalie Forbes noong 2013.

Ngayong taon, ang itinanghal na 2nd runner-up ay ang representative ng Thailand na si Supaporn Malisorn; 3rd runner-up ang kandidata mula sa Puerto Rico na si Madison Anderson; at 4th runner-up si Michelle Leon mula sa USA.

TRUMP OVER CLINTON. Sa final question-and-answer portion, tinanong ang Top 5 finalists kung sino kina US Presidential candidates Donald Trump at Hillary Clinton ang kanilang pipiliin upang makasama sa pagsugpo sa war at violence.

Si Trump ang pinili nina Miss Philippines at Miss USA. Habang ang mga kandidata mula sa Indonesia, Thailand, at Puerto Rico ay si Clinton ang isinagot.

Parehong na-boo ng mga audience ang mga kandidata ng USA at Pilipinas ng mga nasa audience, na karamihan ay maka-Clinton.

Ngunit nagpasintabi muna si Nicole bago ibigay ang rason sa kanyang sagot.

Ang buong sagot niya: “Okay, you have to promise me that you would react after my first sentence.

“I would choose Donald Trump to stop the war and violence with me because if we choose him to switch to our side, there won't be war and violence anymore.

“I will also make sure that he will read my speeches to stop the war and violence, because imagine, someone who would bring so much madness, and so much emotion to these people, what if we use his voice to actually do good for the world? What if we use that to our advantage?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So that's why let's keep the peace and let Donald Trump to switch to our side to stop the war and violence.”

Kabilang naman sa Top 10 sina Priscila Howard ng Peru, Hio Man Chan ng Macau, Veronika Mykhailyshyn ng Ukraine, at Selvinique Wringt ng Bahamas.

Nanalo naman bilang Miss Popular Vote ang kandidata mula sa Korea na si Yeseul Cho kaya nakapasok ito sa Top 10.

Ang iba pang special awards na iginawad ay ang Best in National Costume na nakuha ng Indonesia, Best in Swimsuit award para sa Bahamas, Best Social Media award para kay Dianne Brown ng Jamaica, at Best in Evening Gown para kay Cherelle Rose Patterson ng England.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN