Snooky Serna gets emotional while thanking Marina Benipayo for taking care of her daughters

IMAGE Noel Orsal

Napaiyak si Snooky Serna (kaliwa) habang pinasasalamatan niya si Marina Benipayo (kanan) sa maayos na pagtrato nito sa kanyang dalawang anak sa ex-husband niyang si Ricardo Cepeda. Si Marina ang bagong kinakasama ni Ricardo.


Bigla na lamang napaiyak si Snooky Serna sa pagsisimula ng presscon ng bagong afternoon drama series ng GMA Network na Hahamakin ang Lahat, nitong Martes ng gabi, October 25.

Sa puntong iyon ay ikinukuwento niya ang kanyang karanasan sa mga katrabaho sa teleserye na pinagbibidahan nina Kristoffer Martin at Joyce Ching.

Nang mapadako ang usapan kay Marina Benipayo, hindi napigilan ni Snooky ang mapaluha.

Si Marina ang partner ngayon ng dating asawa ni Snooky na si Ricardo Cepeda.

Mensahe ni Snooky, “I am happy and relieved to be able to work with a lady who is very professional, and we are very civil towards each other.

“And she is… I hope you don’t mind me saying Marina, I’m not being showbiz...

“She is a good woman. I wish her all the happiness.”

Dito na nagsimulang tumulo ang luha ni Snooky.

Dugtong pa niya, “And thank you for taking care of my children.”

May dalawang anak sina Snooky at Ricardo — sina Samantha at Sachi.


Napansin din ng press na pati ang mga katabi ni Snooky na sina Ariel Rivera at Eula Valdes ay napaluha na rin.


Ayon naman kay Marina, very civil sila ni Snooky kapag nasa set.

Dagdag pa niya, “And in any case, ang tagal-tagal na nun.

“Okay naman kami. I treat her as Snooky, she treats me as Marina.

“So, that’s it. Yun lang naman.”

Bawi ni Snooky, “We have both moved on. I am with a partner now and I’m happy.

“And you are happy. Nata-touch lang ako for my children.

“And I would like to take this opportunity to openly acknowledge you and thank you.”

Naghiwalay sina Snooky at Ricardo noong 2005 pagkatapos ng 13 taong pagsasama bilang mag-asawa.

2011 naman nang na-in love ang aktor kay Marina, na co-star niya noon sa My Binondo Girl ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN