Chito Miranda laughs off wife Neri Naig's blog about his womanizing past

IMAGE Nice Print Photography

Chito Miranda on his Instagram posts about wife Neri Naig: "Iba kasi kapag isinisigaw mo sa public. Ibig sabihin, kinu-close mo ang door mo to other girls kasi ipinagyayabang mo na eto ang asawa ko."


Marami ang natutuwa at kinikilig sa Instagram posts ng Parokya Ni Edgar vocalist na si Chito Miranda, kung saan ipinapakita niya ang kanyang pagmamahal sa misis na si Neri Naig.

Ano ang dahilan ng posts niyang iyon?

Sagot ni Chito, “I think, panliligaw yun, di ba?

“Kasi, when we talk naman, we’re very sweet, pero iba kasi kapag isinisigaw mo sa public.

“Ibig sabihin, kinu-close mo ang door mo to other girls kasi ipinagyayabang mo na eto ang asawa ko.”

Ano ang naramdaman niya nang ibuking ni Neri sa blog nito ang tungkol sa pambababae niya noon?

Read: Neri Naig opens up about Chito Miranda's womanizing in the past

“Okey lang,” sabi ng Parokya Ni Edgar vocalist.

“Natawa ako noong binabasa ko, while reading her blog.

“Sabi ko, sira-ulo ‘to, pati ‘to kinuwento. Pero nakakatawa lang.

“She can do what she wants.

“I’m a fan… kasi hindi ko naman alam na magaling siyang magsulat.

“Siya rin naman, hindi niya alam, e.

“And she’s not even a writer, so ang ginagawa niya, isinusulat na lang niya and, I think, it works for her.

“Natutuwa akong basahin. Minsan nga, sinasabi niya…

“Kasi kapag gabi na at matutulog na kami, makikita niya na tinitingnan ko ang blog niya.

“Sasabihin niya, ‘Stalker!’ Nakakatuwa lang.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Chito sa launching ng bagong album ng Parokya Ni Edgar, ang Pogi Years Old, last week.

FIRST BABY. Ngayong Nobyembre ay nakatakdang isilang ni Neri ang panganay nilang anak ni Chito.

Lalaki ang una nilang baby at gusto ng musikero na isunod sa pangalan niya ang pangalan nito.

“Gusto ko na Alfonso. Alfonso Jr. ako, e. So, gusto ko na III naman.

“I think, Alfonso. I don’t know kung may second name siya,” banggit ni Chito.

Sa Tagaytay, Cavite nakatira sina Chito at Neri, kaya gusto niyang doon na rin manganak ang kanyang misis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko na sa Tagaytay siya kasi nandun kasi yung O.B. na friend ko.

“Pero meron kasi siyang O.B. na she really trusts sa St. Luke’s.

“I have a house in Quezon City rin naman, baka dun kami.”

Kumusta ang pagbubuntis ni Neri?

Ayon kay Chito, “Very difficult talaga.

“Nag-miscarriage siya nung first baby namin.

“Kaya yung second, ingat na ingat na talaga siya, todo na.

“Pero wala namang naging any complication.

“Pero ganun pala yun, ingat na ingat na siya. All-day sickness.

“Yun lang, we just pray na ma-handle niya ang labor.”

Mas lalo pa niyang minahal si Neri ngayon?

Sagot ni Chito, “Regardless naman, but I needed to be more patient.

“Kunwari, kasi sanay ako na siya ang nag-aalaga sa akin. Paggising ko, naka-ready na agad ang breakfast ko.

“Ngayon, kailangan, gusto ko na ako naman ang mag-aalaga sa kanya.”

Handa na raw si Chito sa pagiging daddy.

Saad niya, “I think, I’m really prepared naman.

“Marami naman akong kids na naalagaan before. Yung mga pamangkin ko.

“Since ako yung bunso, ako yung palaging napag-uutusan.

“Even yung mga kids ng… sina Jay [Contreras] ng Kamikazee, sina Sarah [Abad]… we were really close nung time na yun, we still are, but we live in the same neighborhood.

“So, marunong naman talaga akong mag-alaga ng kids... puyat lang.”

3am na. Di pa ako inaantok kasi nakatulog ako kanina after dinner. Medyo nasesenti lang ako, kasi kanina, sobrang lambing ni Neri. Halik ng halik tapos siksik ng siksik. Eh kagigising ko lang nun kaya medyo suplado pa ko. Hehe! Pero di naman ako nagsungit. Hinayaan ko lang sya na panggigilan ako habang ako, nagtutulug-tulugan. Tapos nung nakatulog na sya, bumaba ako sa kwarto ko to work on a song na sinulat ko kagabi. Pag-akyat ko ulit sa room namin, nakita ko na mahimbing na natutulog si Neri at napaisip ako kung gaano ako kaswerte. Tapos naisip ko, mamahalin ko talaga 'tong babaeng 'to ng todo-todo. Di ko talaga sya hahayaan masaktan at maging malungkot. Papatawanin ko sya palagi, at aalagaan ng sobra hanggang sa pagtanda. Sumiksik ako sa tabi nya. Gusto ko din syang yakapin at lambingin at halik-halikan tulad ng ginagawa nya sa akin kanina, pero baka magising sya. Kaya eto ako ngayon, nagpapakasenti sa cellphone.

A photo posted by Chito Miranda (@chitomirandajr) on

SONGS FOR NERI. May mga kanta na raw na naisulat si Chito para kay Neri.

Ilan dito ay kasama sa bagong studio album ng Parokya Ni Edgar, ang Pogi Years Old ng Universal Records.

“Wala pa naman akong isinulat na song tungkol sa pagkakaroon ng asawang buntis!” natawa niyang sabi.

“Pero I wrote a couple of songs and, for this one, one song is entitled ‘Wala Lang Yun.’

“Yun ang time na I think she wrote about it on her blog. Noong gago pa ako, noong malandi pa ako with other girls.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So that song was an excuse na, ‘Wala lang yun, huwag ka ma-bother with chicks.’

“But to be clear lang, that was bago ako magbago. Bago ako mag-decide na magseryoso na.

“And another song was ‘Friendzone Mo Mukha Mo.’

“It was a song inspired na when we first met… ‘hindi ako papayag na friends lang tayo.’

“Kasi, may gusto ako sa kanya and I wrote about that experience.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN