Alma Moreno puts up a brave front for son Mark Anthony Fernandez

IMAGE Noel Orsal

Alma Moreno on current situation of her son Mark Anthony Fernandez: "Bilang Alma, tirahin niyo na ako, pagkatao ko, pinag-aralan ko, wala sa akin 'yon. Pero bilang nanay, iba, sobra ako. Pero kailangan ko ipakita sa anak ko na malakas ako."


Hindi na nagawang humarap pa ni Alma Moreno sa entertainment reporters pagkatapos ng press conference ng bagong weekly series ng GMA Network na Tsuperhero, kagabi, October 26.

Nagmamadali siyang umalis para bumalik sa Angeles, Pampanga, kung saan kasalukuyang nakapiit ang kanyang panganay na anak na si Mark Anthony Fernandez, na nahulihan kamakailan ng isang kilo ng marijuana.

“Actually, siya ang priority ko. Doon ako muna naka-base.

“Tapos uuwi lang ako, titingnan ko ang mga anak ko.

“Katulad ng kay Van [Vandolph] noon — sa league naman sa Cebu, since national chairperson ako dati, siya yung sinamahan ko dati.

“Tapos balik ako sa kanya [Mark],” kuwento ni Alma nang saglit siyang nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) bago makaalis sa GMA compound.

Aniya pa, “Doon umiikot ang mundo ko ngayon, sa mga anak ko, kasi doon ako humuhugot ng lakas din.”

Kaugnay nito, kinumusta namin kay Alma ang sitwasyon ngayon ni Mark sa Pampanga.

Pag-amin ng actress-politician, “Siyempre, hindi maganda.

Ang sitwasyon, ang iba nun, siyempre sa lawyer na namin. Hindi ako puwedeng magsalita.

Ako naman, ang hinihingi ko palagi ay dasal para sa anak ko na malagpasan ang ganitong pagsubok.”

Sa ngayon, nag-a-adjust pa rin daw ang kanyang panganay na anak sa buhay sa loob ng kulungan.

“Siyempre, hindi madali,” sabi ni Alma, na pinipigalan ang sariling maging emosyunal.

Hindi ko alam kung ano ang sinasabi nila. Pero si Mark, nag-a-adjust siya and hindi ganun kadali.

Kung ako nga, hindi ako... Hanggang ngayon nandun yung ano ako, siyempre mas lalo na yung anak ko doon sa loob.”

Katulad ng kanyang mga naunang panawagan, muling humiling si Alma ng dasal para kay Mark Anthony.

Aniya, “Mabait si Mark. Napakabait na tao.

“Hindi nagbigay ng problema sa ibang tao, walang inagrabyadong tao, hindi palaaway, alam niyo naman 'yan.

Sarili lang niya yung nabiktima.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya ang hinihiling ko lang, ang prayers para sa anak ko, dahil mabait na bata naman yung anak ko.”

STAYING POSITIVE. Sa kabila ng mabigat na suliraning nararanasan sa kasalukuyan, pinipilit namang maging positibo ni Alma.

Maluha-luhang sabi niya, “Bilang Alma, tirahin niyo na ako, pagkatao ko, pinag-aralan ko, wala sa akin yun.

“Pero bilang nanay, iba, sobra ako.

“Pero kailangan ko ipakita sa anak ko na malakas ako.

“Ang hirap nun!

“Pero marunong si Lord, e. Iniisip ko na lang as positive.

“Siguro ibinigay Niya ito dahil may dahilan. Hindi Niya ibibigay ito kung walang dahilan, di ba?

Siguro ibinigay Niya ito dahil kakayanin niya ito, malalagpasan namin ito.

Siguro dahil sa dami ko na ring dinaanan, yun 'yon.

Siguro may mas magandang dahilan Siya, dinadaan lang sa ganitong paraan.”

WORK AS USUAL. Aminado si Alma na hindi madali ang pinagdadaanan nila ngayon ng kanyang anak, lalo na kung kailangan niyang humarap sa kamera para sa trabaho.

Saad niya, “Ang hirap. Katulad niyan, papunta akong Pampanga, balik ako doon.

Kapag pupunta ako ng taping, kailangan i-condition ko ang sarili ko.

Hindi ako si Alma na may problema ngayon, may pinagdadaanan. Ako si Martha.

Kailangan ikundisyon mo, e.”

Mabuti na lamang daw at maunawain ang mga kasamahan niya sa Tsuperhero.

Kuwento niya, “Ang maganda rito, yung support ng grupo — si Direk, yung mga artista — pagdating mo sa set happy ka.

Walang magme-mention, hindi ka kukumustahin.

Happy lang ang mararamdaman mo.

Pero dito [turo sa dibdib], may mabigat.”

Si Alma ay gaganap na ina ni Derrick Monasterio, ang bida sa bagong superhero sitcom ng GMA ang Tsuperhero, na mapapanood tuwing Linggo simula sa November.

Maganda rin daw ang pagkakataong ito para mabalanse ang pakiramdam niya ngayon.

Aniya, “Imagine, ito nga, timing lahat sa akin, nagkaroon ako ng comedy na pambalanse mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung drama ito, siguro naatake na ako.

Drama na sa buhay ko, pagdating ko, yun pa.

Ito, pagdating mo sa set, siguro mga ilang oras, naka-smile ka.

Pagkatapos nito, balik ka ulit sa mundo na brave ka. Iiyak mo na lang sa gabi, kapag nag-iisa ka.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN