Kat Alano slams Sen. Leila de Lima for using women to protect her "wrongdoings"

IMAGE Kat Alano Facebook page / Mark Atienza

Kat Alano's message to Senator Leila De Lima: "DO NOT USE THE FILIPINA WOMEN AS PROTECTION AGAINST YOUR OWN WRONG DOINGS."


Kinuwestiyon ng model-DJ na si Kat Alano ang diumano’y hindi magandang motibo ni Senator Leila de Lima sa kampanya nitong ipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan.

Kaugnay ito ng magkasunod na college forum kung saan naghayag si De Lima ng sentimiyento tungkol sa diumano’y maling pang-aakusa at pangungutya sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa Facebook post ni Kat noong October 16, ipinaalala niya ang hindi pagbibigay-pansin ng senadora ng reklamong panggagahasa na diumano’y naranasan ng radio DJ sa kamay ng isang di pinangalanang high-profile celebrity.

Pahayag ni Kat kay Sen. De Lima: “DO NOT USE THE FILIPINA WOMEN AS PROTECTION AGAINST YOUR OWN WRONG DOINGS.

“When I contacted you and BESEECHED YOU AS A WOMAN AND A FILIPINA TO STAND UP FOR RAPE VICTIMS EVERYWHERE; YOU TURNED A BLIND EYE.

“And now you want the women of the Philippines to stand behind you?

“I STOOD FOR MY RIGHTS AND YOU TOOK NO NOTICE.”

KAT’S 2015 LETTER TO DE LIMA. Ibinahagi rin ni Kat ang link ng artikulong naglalaman ng kanyang January 2015 open letter kay De Lima.

Si De Lima ang siyang Department of Justice (DOJ) secretary nang almahan ni Kat ang pagbasura ng una sa diumano’y patung-patong na rape complaints na kinaharap ng isang kilalang “public figure.”

Base sa open letter ni Kat noon, sinabi niya na ang naturang “public figure” ang siya ring gumahasa sa kanya.

STILL NOT FILING A RAPE COMPLAINT. Gayunman, iginiit ni Kat na wala siyang balak na magsampa ng pormal na reklamo laban sa di pinangalanang personalidad na diumano’y nanggahasa sa kanya.

Pahayag ni Kat sa kanyang guest appearance sa TEDx Talks, na lumabas sa YouTube noong April 22, 2016:

“In 2005, when I was 19 years old I was raped. I was drugged and raped by a Filipino celebrity who is still on TV today…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In 2014, I read a news article in which the man who raped me of having done the same thing to her...

“The general public said that the girl was looking for attention, trying to be famous.

"And the one that I love the most was what they dubbed me—an ambulance chaser trying to ride a rapists coattails for fame."

Nakatanggap daw si Kat ng death threat at katakut-takot na pambabatikos dahil sa kanyang paglantad bilang isang rape victim.

Dagdag niya, “You see, in our country, instead of crucifying the rapists, we nail victims to a proverbial stake and we throw stones.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN