Janine Tugonon fails to secure slot at Victoria's Secret fashion show

IMAGE Instagram (@tugononjanine)

While Janine Tugonon made it to the final casting of Victoria's Secret fashion show, she wasn't able to get a slot to be an "Angel" that will walk the runway in the prestigious fashion show. 


Nabigo si Miss Universe 2012 1st runner-up Janine Tugonon na makapasa sa final casting upang maging model o “Angel” sa susunod na Victoria’s Secret fashion show.

Ibinahagi ng Pinay beauty queen ang update sa kanyang Twitter account ngayong Miyerkules, October 27.

“Sorry guys. Didnt make it. Thank you though. Love you,” tweet ni Janine.

Nagpakita naman ng suporta ang followers ni Janine.

Tweet ni Janine, nalungkot siya dahil hindi siya nakalusot sa final casting ng Victoria's Secret.

Naka-base si Janine sa New York, USA, at nangangarap na maging sikat na international model.

Masaya raw sana kung may Pinay na nakapasok sa prestihiyosong annual fashion show.

Gayunpaman, nananatiling positibo si Janine at nangakong magtatrabaho pa siya nang maigi.

Samantala, gumawa ng ingay ang Filipina beauty queen-model nang mapili siya bilang isa sa 12 models para 2017 NU Muses calendar kamakailan.

Ginanap ang pictorial para sa nasabing calendar sa Dominican Republic.

Pinag-usapan din sa social media ang nasabing pagpu-pose ni Janine para sa calendar dahil nude ang tema ng nasabing pictorial.

Read: Janine Tugonon poses nude as calendar muse

Na-feature din si Janine sa Victoria’s Secret Pink Ad kamakailan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN