Elisse Joson touched by McCoy de Leon's gestures: "Lahat po ng hindi ko naranasan, yun po yung pinapakita."

IMAGE Noel Orsal

Elisse Joson appreciates loveteam partner McCoy de Leon's sweet gestures towards her. "Masaya po ako kasi siyempre, yun nga, lahat po ng hindi ko naranasan, yun po yung ipinapakita sa akin ni McCoy."


Tila mas napapalapit sa isa't isa ngayon ang magka-love team na sina Elisse Joson at McCoy de Leon o mas kilala sa tawag na McLisse.

Sa katunayan, binigyan pa ni McCoy si Elisse ng aso sa concert ng #Hashtags noong nakaraang buwan.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Push kina Elisse at McCoy sa opening ng SM Surplus Store, sa SM North EDSA kanina, October 27, sinabi ng dalaga na nasorpresa takaga siya sa regalo ng ka-love team.

Dahilan naman ni McCoy kung bakit binigyan niya ng aso si Elisse, “Maliit lang siya kasi gusto ko para kumportable lang siya.

“Para din kunyari pag wala ako, para maalala niya ako, ganun. Para di siya nalulungkot.”

Samantala, noong October 25 naman ay nag-tweet si McCoy (@hashtag_mccoydl) ng isang solo picture ni Elisse.

Sabi niya: “Maswerte ako dahil nakilala ko siya, masaya ako dahil napapangiti ko siya at higit sa lahat kaya ko ipagmalaki sa harap ng maraming tao.”

Paliwanag naman ng actor-dancer sa tweet niyang ito, “Parang na-realize ko lang na masaya ako na nakukuha kong blessings, kasama siya.

“Gusto ko lang maipakita sa kanya na naipagmamalaki ko siya.

“Kasi sa mga pinagdaanan niya, medyo hindi maganda yung napagdaanan niya, gusto ko ako yung bumawi para sa kanya."

Ayon naman kay Elisse, naa-appreciate niya ang mga ginagawa ni McCoy para sa kanya.

Aniya, “Masaya po ako kasi siyempre, yun nga, lahat po ng hindi ko naranasan, yun po yung ipinapakita sa akin ni McCoy. Kaya nagpapasalamat po ako."

Matatandaang pinag-usapan ang mga lalaking nanligaw kay Elisse sa stay nito sa Pinoy Big Brother Lucky 7, lalo na ang naging relasyon nila ng Kapamilya actor na si Jerome Ponce.

Isa sa mga naging issues nila noon ay ang pagtatago ng kanilang relasyon.

Read: Elisse Joson tearfully opens up about three Js who caused her heartbreak

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit din nina McCoy at Elisse na ang sitwasyon nila ngayon ay halos pareho sa mga karakter na ginagampanan nila sa FPJ's Ang Probinsyano.

Sabi ni Elisse, “Parang hindi nga po sila nalalayo sa totoong buhay sa 'min. Getting to know, enjoying life."

Dugtong naman ni McCoy, “Enjoying [the] company of each other.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN