Ariel Rivera on life with wife Gelli de Belen without their sons: "Parang teenager ulit kami, nagdi-date kami."

IMAGE Noel Orsal / @gellidebelen Instagram

Ariel Rivera on decision to put off plan to migrate in Canada: "But, naisip ko rin, kapag nandoon kami, ano ang gagawin ni Gelli? Walang gagawin si Gelli dun. Baka yun pa ang magiging dahilan kung bakit kami maghihiwalay."


Isinantabi muna ng mag-asawang Ariel Rivera at Gelli de Belen ang plano nilang mag-migrate sa Canada, kung saan mayroon na silang sariling bahay.

Paliwanag ni Ariel, “I wanted to, initially, kasi nandun ang family ko.

“But, naisip ko rin, kapag nandoon kami, ano ang gagawin ni Gelli? Walang gagawin si Gelli dun.

“Baka yun pa ang magiging dahilan kung bakit kami maghihiwalay.

“Mabu-bore siya, mag-aaway-away rin. ”

MILES APART FROM KIDS. Ang dalawang anak nilang sina Joaqui, 17, at Julio, 15, ay mag-iisang taon na raw na nag-aaral sa Canada.

Bakit nila napagdesisyunan ang ganitong set-up?

Ayon kay Ariel, “Well, it’s a sacrifice for us.

“It’s really for the betterment of their future.

“You’re graduating in Canada or North America — hindi mo naman masasabing mas maganda ang education nila — but generally, mas maganda ang education doon.

“Opportunities and options are better.”

Kilalang very hands on sina Ariel at Gelli sa pagpapalaki ng kanilang mga anak, kaya nakakagulat na nakaya nilang hayaan ang mga ito na manirahan sa ibang bansa.

Sabi ni Ariel, “This change is really difficult, but at the same time, we all have to go through that.

“Kapag magulang ka, eventually, you have to let go of them.

“Sa case lang namin, it’s just a little earlier.”


Ang mga magulang daw ni Ariel ang kasama ng dalawang anak sa bahay nila sa Canada.

Sa Canada rin naninirahan ang pamilya ng tatlong kapatid ni Ariel, kaya kahit papaano ay madaling makapag-adust ang mga anak nila ni Gelli.

Dagdag ni Ariel, “So, okey na yung ganito. Pabalik-balik kami dun, tapos sila [kids], pabalik-balik na lang din [dito].”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ariel sa presscon ng Hahamakin Ang Lahat na ginanap sa GMA Network Center noong Lunes, October 23.

HAPPY MARRIAGE. Simula pa lang nang magkaanak sina Ariel at Gelli, ni minsan ay hindi sila kumuha ng yaya ng kanilang mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang celebrity couple mismo ang nag-alaga, naghahatid at sumusundo sa mga bata mula sa eskuwelahan.

Ngayon, silang dalawa na lang talagang mag-asawa dahil nasa Canada nga ang dalawa nilang anak.

Kuwento ni Ariel, “Our life revolved around the two boys.

“So ngayon, more than 50 percent of our time, libre na, nawala na yung dalawang bata.

“So now, we have to do things [na kami lang dalawa].

“I guess, [it’s like] starting again with our relationship — which is fun.

“Parang teenager ulit kami, nagdi-date kami.”

Mas lalong tumitibay ang relasyon nilang mag-asawa?

“Very, very strong, I’m happy to say,” nakangiting sabi ni Ariel.

Twenty-four years na raw silang magkarelasyon ni Gelli at 19 years naman na silang kasal.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN