Muli na namang umangat ang Pilipinas sa mundo ng beauty pageants sa pagkapanalo ni Kylie Verzosa sa katatapos lamang na Miss International 2016.
Read: Kylie Verzosa of the Philippines is Miss International 2016!
Dahil dito, maraming Pilipino ang nagdiriwang ngayon at nagpapaabot ng kanilang pagbati kay Kylie sa pamamagitan ng social media.
Kabilang na rito ang ilang celebrities at iba pang kilalang personalidad, sa pangunguna ng mentor ni Kylie na si Jonas Gaffud ng Aces & Queens.
“Congratulations Miss Philippines Kylie Verzosa for winning Miss International 2016!!!! Mabuhay ang gandang Filipina,” sabi ni Jonas sa kanyang Instagram account.
Si Kylie ang ikatlong beauty queen na na-train ni Jonas na nakakuha ng titulo sa major international beauty pageants — ang unang dalawa ay sina Miss World 2013 Megan Young at reigning Miss Universe Pia Wurtzbach.
Ibinahagi naman ng screenwriter na si G3 San Diego ang naging mensahe sa kanya ng beauty queen tungkol sa one-minute speech nito.
Ani G3, “She prepared early, she had her unflinching eyes set on the crown and now the crown is on her head along with the honor of our country.”
Narito pa ang ilang mensahe ng mga celebrity sa social media:
Congratulations, @KylieVerzosa for winning the #MissInternational2016 title. We're very proud of you! :) #PinoyPride pic.twitter.com/41Nd2Q77YE
— Bam Aquino (@bamaquino) October 27, 2016
And 2016 Ms International is Ms Philippines Kylie Verzosa!!! Gardo must be very proud of you. Chozzzz!
— jose marie viceral (@vicegandako) October 27, 2016
Congratulations @KylieVerzosa our Miss International 2016!! ????
— Ariella Arida (@araarida) October 27, 2016
Congratulations @KylieVerzosa in winning 2016 MISS INTERNATIONAL ????????
— Rajo Laurel (@rajolaurel) October 27, 2016