Jerome Ponce reacts to ex-girlfriend Elisse Joson's rumored romance with McCoy de Leon

IMAGE Mark Atienza

Jerome Ponce (rightmost) on past relationship with Elisse Joson (leftmost): "Hindi naman kailangan lahat ng closure, e. Yun na nga, wala pang closure may dumating agad na mas okay, di ba? Hindi ko in-expect sa sakit na naramdaman ko, mayroon palang sa isang iglap na magpapasaya sa akin." Jerome is currently romantically linked to former Lady Spiker Mika Reyes (not in photo).


Isa si Jerome Ponce sa mga solong artista na dumalo sa nakaraang 10th Star Magic Ball.

Habang ang ex-girlfriend niyang si Elisse Joson ay kasabay ni McCoy de Leon na dumating ng red-carpet event sa Makati Shangri-La hotel noong Sabado, October 22.

Parehong ex-housemates ng Pinoy Big Brother Lucky 7 sina Elisse at McCoy.

Sa panayam ng PEP.ph at Cinema News, hiningan ng reaksiyon si Jerome tungkol sa umano'y namumuong espesyal na relasyon sa pagitan ng dalawa.

Sabi ni Jerome, “Yun ang hindi ko alam.

“Wala akong komento dahil hindi ko na alam kung inspirasyon pa ba sa kanya yun o hindi.

“Basta ang alam ko, tapos na ako.”

Sakaling totoo man na sina Elisse at McCoy na, magiging masaya raw si Jerome para sa ex-girlfriend.

Pahayag ng 21-year-old actor, “Happy ako para sa kanya, siyempre.

“Tagal na rin naman niya na gustong magkaroon ng trabaho at mga kakilala para mas lalong makita ang pagkatao niya.”

NO FORMAL CLOSURE. Matatandaang noong nasa loob pa ng Bahay ni Kuya si Elisse, pinuntahan siya roon ni Jerome upang makapag-usap sila nang masinsinan at magkaroon na rin ng closure ang kanilang relasyon.

Sa kabila nito, inihayag ni Jerome na hindi naging malinaw sa kanya ang pag-uusap nila ni Elisse noon.

“Ewan ko. Mahabang usapan ito, e.

“Anyway, mayroong mga bagay lang talaga na hindi nakikita ng mga tao sa likod ng kamera at likod namin.

“Pinahirap niya nga [yung sitwasyon], e.”

Sa sinasabi ng aktor na hindi rin sila nagkaroon ng closure ni Elisse, hindi kaya maging unfair ito para sa napapabalitang karelasyon ni Jerome ngayon?

Sagot ni Jerome, “Hindi naman kailangan lahat ng closure, e.

“Yun na nga, wala pang closure, may dumating agad na mas okay, di ba?

“Hindi ko in-expect sa sakit na naramdaman ko, mayroon palang sa isang iglap na magpapasaya sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

REAL SCORE WITH MIKA REYES. Ang tinutukoy ni Jerome na bagong inspirasyon niya ngayon ay ang kanyang rumored girlfriend at dating Lady Spiker na si Mika Reyes.

Marami ang nag-abang kung si Mika ang kasamang date ni Jerome sa Star Magic Ball.

Ngunit hindi naisama ni Jerome ang volleyball player dahil kasali ito sa ginanap na 2016 FIVB Women’s Club World Championship na ginanap sa MOA Arena noong Sabado ring iyon.

Sila na ba ni Mika?

Paiwas na sagot ni Jerome, “Ayokong manggaling sa akin, e.

“Oo nga, ako ang lalaki, pero ayokong maging assuming kung ano talaga kami.”

Hindi man tuwirang umamin si Jerome sa relasyon nila, inilarawan niya kung paano ang turingan nila ni Mika sa isa’t isa.

“Hindi naman sa hinawakan ako sa leeg. Quits kami. Lalaki, babae, pero equal kami palagi.

“Kung walang magpapakumbaba, parehas kaming magso-sorry, sabay pa.”

Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP kay Jerome, naikuwento ng binata kung paano sila nagkakilala ng atleta.

“Nag-meet kami through an acquaintance of a friend. Ayaw niya sa akin, ayoko rin sa kanya.

“Nag-meet kami sa ASAP as acquaintance. Tapos nag-get along kami with friends.

"She’s really nice nung na-meet ko na, lalo na nung nanonood ako ng games niya.

“We’re getting to know each other more and more.”

Ayon kay Jerome, una niyang nagustuhan ang “lovable” personality ng dating middle blocker ng De La Salle University.

“More on sa pagkatao talaga niya [ako na-attract].

“Kung sino ang mga close sa kanya, sila rin ang nakakaalam [kung sino talaga si Mika].

“Siguro yung iba, ang alam mayabang siya, masyado siyang bully, and stuff.

“But deep inside, she’s lovable.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN