Epy Quizon visits PNP Chief Bato dela Rosa for voluntary drug testing

IMAGE Photo from Cesar Montano's Facebook

Epy Quizon visits the office of PNP Chief Director Ronald "Bato" dela Rosa for a voluntary drug testing. Epy visited the PNP chief together with friend Cesar Montano. 


Ipinost ni Cesar Montano ang isang video sa kanyang Facebook account kung saan boluntaryong nagsadya ang kaibigang si Epy Quizon sa opisina ni Police National Police Chief Director Ronald 'Bato' dela Rosa upang sumailalim sa drug test.

Bungad ni Cesar sa nasabing video, “Kasama po natin si Epy Quizon, voluntarily magpapa-check po siya kung siya po ay negative, magpapa-drug test po.”

Ipinost ni Cesar ang video ngayong Biyernes, October 28.

Dugtong pa ni Cesar tungkol kay Epy, “Ang tunay po, matagal na po siyang tumigil [sa paggamit ng illegal drugs], but gusto lang niyang linisin sa isipan ng lahat ng tao, lalo na sa kanyang close na kaibigan at close na kamag-anak na clean na siya, matagal na po.”

Gusto rin daw ni Epy na maging mabuting ehemplo sa lahat pagdating sa illegal drugs, lalo pa’t naisumite na sa Malacanang ang listahan ng mga artistang nasa drug list ng mga pulis.

“Gusto niya pong maging mabuting testimonya sa lahat na drugs is not good for you, ang prohibited drugs po, lalo na sa kabataan po,” sabi ni Cesar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN