Kris Lawrence remains civil with Katrina Halili for the sake of their daughter

IMAGE Allan Sancon / @katrina_halili Instagram

Kris Lawrence on visitation rights to his daughter with Katrina Halili: "The thing na iniiwasan namin ngayon is negative energy. I just wanna be positive around Katie."


Nilinaw ni Kris Lawrence na hangga’t maaari ay ayaw niyang magkaroon sila ng problema ng kanyang ex-girlfriend na si Katrina Halili.

Ito ay para raw sa kapakanan ng apat na taong gulang nilang anak na si Katie.

Pahayag ng singer, “Kasi bawat kilos namin, nakakaapekto sa bata.

“I’m happy na wala kaming problema.

“We’re civil.”

Ayon kay Kris, twice or thrice a week niyang nakakasama ang anak.

“Kapag gusto kong makita si Katie, I just call her, ‘Puwede ba akong pumunta?’

“Kapag masyadong late, sinasabi niya sa akin na, ‘Puwedeng bukas na lang?’

“The thing na iniiwasan namin ngayon is negative energy.

“I just wanna be positive around Katie.”

Aminado si Kris na nakakaramdam siya ng lungkot dahil gusto niya sanang mas matagal pang makasama ang anak.

Sa ngayon ay hanggang pagpasyal lang daw sa mall sila nagkakasama ni Katie.

“Wala naman sigurong time limit [sa pagpasyal].

“Pero kapag nasa labas kami, tumatawag si Kat [Katrina’s moniker].

“Dati, noong magkasama kami ni Kat [sa iisang bahay], kahit busy ako sa work, uuwi naman ako doon and I’ll see the baby.

“When I wake up, she’ll wake me up. She’ll be the first thing I see when I wake [up].

“Ngayon, hindi e. It’s different. I really have to make time.”

VISITATION RIGHTS ISSUE. Bagamat kulang daw ang dalawang oras para sa kanyang visitation rights, iginiit ni Kris na ayaw niyang magkaroon sila ng diskusyon ni Katrina tungkol dito.

Lalo pa’t minsan na itong pinagmulan ng pagtatalo sa pagitan nila ng aktres.

Paliwanag ni Kris, “To tell you the truth, we still haven’t sat down and talked about everything.

“At the time, fresh from our break up, parang konting ano lang, away agad.

“Like, we couldn’t talk to each other, kasi in a matter of one minute, nagkakapikunan na kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“There was a time we [had a] cool off.

“But right now, I’m very thankful we’re civil.”

Dagdag pa ni Kris, maayos ang pakitungo sa kanya ni Katrina at ng pamilya nito nang dumalo ang singer sa birthday party ng anak noong nakaraang buwan.

“During Katie’s birthday, I stayed over there a little bit.

“Nakipag-inuman pa ako sa mga guests niya [Katrina], sa kuya niya — kay Kuya Ian.

“It was cool. It was good.”

AMERICAN CITIZENSHIP. Samantala, inamin ni Kris na gamit ng kanyang anak ang apelyidong Cadevida, na siyang tunay na apelyido ng R&B singer.

Si Kris ay mayroong dual citizenship — Filipino at American. Kaya eligible daw ang anak niyang si Katie na mag-apply ng American citizenship sakaling gustuhin nito.

May plano ba siyang i-apply si Katie ng American citizenship?

Sagot ni Kris, “Well, it was never needed I guess.

“There’s no plan to go to the States just yet.

“Pero you’re right, gagawin ko.”

Ngunit tila mahihirapan daw ang singer na kumbinsihin si Katrina na gawing American citizen ang kanilang anak.

Paliwanag ni Kris, “Dati, when we were together, ayaw naman talaga ni Kat na pumunta ng States.

“Ayaw niya doon. Na-try na niya dati.

“So, when I got out of it, ayaw niyang pumunta doon.

“So, ayaw niya pumunta doon si Katie siguro.”

Kung anu’t ano man, pag-uusapan na lang daw nila ito ni Katrina pagdating ng panahon.

“Well, like I said earlier, about change, we don’t know what the future holds.

“When that day comes, we will talk about it nicely.

“I personally would like Katie to spend some time in the States, kasi iba yung buhay doon.

“Ang dami niyang matutunan doon. She’ll really blossom into a woman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN