Jennylyn Mercado's Mommy Lydia dies at 74

IMAGE Noel Orsal

Pumanaw na ang kinikilalang ina ni Jennylyn Mercado na si Mrs. Lydia Mercado ngayong Sabado, October 29, dahil sa sepsis sanhi ng pneumonia.


Pumanaw na ang adoptive mother ni Jennylyn Mercado na si Lydia Mercado ngayong Sabado ng unaga, October 29.

Ito ang kinumpirma sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng manager ni Jennylyn na si Becky Aguila.

Si Mommy Lydia ay 74 taong gulang.

Ayon kay Becky, sepsis sanhi ng pneumomia ang ikinamatay ng kinikilalang ina ng Kapuso actress-TV host.

“She died of sepsis secondary to pneumonia at 7:52 a.m. today at Saint Luke’s ICU.”

Humihingi rin daw ang pamilya ni Jennylyn ng privacy para sa kanilang pagdadalamhati sa pagpanaw ng ina.

Ilalagak ang mga labi ni Mommy Lydia sa Loyola Memorial Chapels sa Commonwealth, Quezon City, bago ito i-cremate.

Nakikiramay ang PEP sa lahat ng mga naulila ni Mommy Lydia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN