Ecuador's Katherine Elizabeth Espin wins Miss Earth 2016; Cloie Syquia Skarne makes it to Top 8

IMAGE Courtesy of @missearth on Instagram

(L-R) Miss Earth Fire 2016 Bruna Zanardo from Brazil; Miss Earth 2016 Katherine Elizabeth Espín from Ecuador; Miss Earth Air 2016 Michelle Gómez from Colombia; and Miss Earth Water 2016 Stephanie de Zorzi from Venezuela.


Tinalo ni Miss Ecuador Katherine Elizabeth Espin ang 83 kandidata mula sa iba't ibang bahagi ng mundo para sa korona ng Miss Earth 2016.

Ipinasa ni Miss Earth 2016 Angelia Gabrena Ong ng Pilipinas ang korona sa grand coronation night ng nasabing pageant nitong Sabado ng gabi, October 29, sa SM Mall of Asia Arena, sa Pasay City.

Ito ang ikalawang beses na nanalo sa Miss Earth ang Ecuador, matapos makuha ni Olga Alava ang titulo noong 2011.

Itinanghal naman na Miss Earth Air 2016 si Miss Colombia Michelle Gomez; Miss Earth Water 2016 si Miss Venezuela Stephanie de Zorzi; at Miss Earth Fire 2016 si Miss Brazil Bruna Zanardo.

Hindi nakapasok sa Top 16 semifinalists ang pambato ng Pilipinas na si Imelda Schweighart.

The new Miss Earth is Ecuador Miss Earth Air: Colombia Miss Earth Water: Venezuela Miss Earth Fire: Brazil

A photo posted by Miss Earth (@missearth) on

Napabliang naman sa Top 8 sina Miss Vietnam Nguyen Thi Le Nam Em; Miss Russia Aleksandra Cherepanová, Miss USA Corrin Stellakis; at Miss Sweden Cloie Syquia Skarne, half-sister ni KC Concepcion at anak ng aktor na si Gabby Concepcion sa dating aktres na si Jenny Syquia.

Sa question-and-answer portion, binigyan ng topic o hashtag ang bawat kandidata na dapat nilang talakayin.

Ang napuntang topic kay Cloie ay #BeautyQueen.

Isa si Cloie sa umani ng malakas na palakpak matapos nitong ibigay ang kanyang sagot, ngunit hindi siya pinalad na makapasok sa Top 4.

Ang buong sagot ni Cloie: “To me, being a beauty queen has been a dream ever since I was young and ever since I was young, growing up in Sweden, I know it's very important to take care of our environment.

“And I believe that no matter who you are or where you're coming from, it's our duty as people of the Earth to take care of our Earth for our future generations, and that's what it means to me to be a beauty queen right now. Thank you, very much.”

Kabilang naman sa Top 16 semifinalists sina Miss South Korea Chae Yeung Lee, Miss Northern Ireland Julieann McStravick, Miss Italy Denise Frigo, Miss England Luissa Burton, Miss Mexico Itzel Astudillo, Miss Macau SAR China Clover Zhu, Miss South Africa Nozipho Magagula, at Miss Australia Lyndl Kean.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang special awards din ang ipinamigay; kabilang ang Best Eco Video na nakuha ni Miss Moldova Tatiana Ovcinicova at Best Eco Warrior na napunta naman kay Miss Wales Charlotte Hitchman.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN