Christopher de Leon proud of daughter Lotlot's international acting award

IMAGE Noel Orsal

Christopher de Leon is very proud of daughter Lotlot's recent acting award, as well as the recent bumper crop of international awards given to local actors: "And yung Filipino talent is being recognized already all over the world, sila Charo [Santos], sila Jaclyn Jose, si Lotlot, you know? Lot is a very good actor, actually. Actually, she is a very good actor, especially now."


Halos lahat ng baguhang artistang lalaki ay iisa ang pangalang isinasagot kapag tinatanong tungkol sa idolo nilang aktor: si Christopher de Leon.

Flattered ang mahusay na aktor dahil sa walang tigil na mga papuri sa kanya.

Lahad niya, “Siguro yung longevity puwede, pero they have their own career path.

“I’m sure, you know, it will never be like my path ‘coz I… well as an actor, yeah.”

Siya rin madalas ang “taga-binyag” ng mga baguhang aktres sa pag-arte sa harap ng kamera.

Sabi niya, “At the same time. can I stress this out, 'no?

“Si Nora Aunor, first grandslam niya, ako ang kasama.

“Vilma Santos, yeah. Si Sharon Cuneta, nagkaroon ng grandslam, Madrasta, ako din.

“Pagkatapos Elizabeth Oropesa, nag-grandslam.

“It’s because yung ethics of give and take o teamwork is… I consider it very important.

“That’s why pareho kaming... yung kaeksena ko, pareho kaming nagsa-shine, 'no?

“Kahit na ako naman, in some of my movies, a lot of my movies like my movies with Vilma, nagkaroon ako ng mga awards because of what she gives me.

“That’s why yung friendship namin ng mga naging leading ladies ko lasts for a long time, because kaibigan kung kaibigan ko silang lahat.”

PROUD OF LOTLOT'S AWARD. Speaking of awards, hiningan namin si Christopher ng reaksyon tungkol sa Special Acting Citation na tinanggap ng anak niyang si Lotlot de Leon sa All Lights India International Film Festival sa Hyderabad, India kamakailan para sa indie movie na !st Sem.

“Wow, India! Wow! I’m honored.

“I’m very happy for her, and I’m proud of her,” papuri niya

Lalo pa nga at wala namang acting category sa nabanggit na international film festival ay biglang nagdesisyon ang members of the jury na pagkalooban ng karangalan si Lotlot.

“Oo nga e, 'no?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And yung Filipino talent is being recognized already all over the world, sila Charo [Santos], sila Jaclyn Jose, si Lotlot, you know?

“Lot is a very good actor, actually. Actually, she is a very good actor, especially now,” pagmamalaki pa niya.

Si Christopher daw ay gumagawa rin ng indie movies paminsan-minsan.

Pahayag niya, “I did Dukot, I did Nasaan Si Francis?

Hiningan din namin si Christopher ng opinyon sa patuloy na gumagandang career ng anak ni Lotlot na si Janine Gutierrez.

“Wow, we are blessed, we are blessed,” ang bulalas ng mahusay na aktor.

ADVICE TO NEWBIE ACTORS. Ano ang maibibigay niyang payo sa mga nagsisimula pa lamang sa showbiz?

“Dedication lang.

“You have to love the work that God has given you and pag naging pariwara ka dun, it will turn its back on you,” payo niya.

Si Christopher ay isa sa mga male lead stars ng The Escort, na pinagbibidahan nina Lovi Poe, Jean Garcia at Derek Ramsay.

Sa direksyon ni Enzo Williams, ang pelikulang ito ng Regal Entertainment Inc. ay ipapalabas sa mga sinehan sa November 2.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN