Erin Ocampo disputes ex-BF Michael Pangilinan's visitation claims for their baby

IMAGE Nimfa Chua

Girl Trends member Erin Ocampo denies ex-BF Michael Pangilinan's allegations regarding his visitation claims for their baby: "Pinahihiram ko. Ako pa ang gumagawa ng paraan. kaso wala, e. Sino ba ang may gusto ng hindi buo at hindi masaya, di ba? Kahit hindi kami on good terms. Basta ayoko nang magsalita."


Magkataliwas ang mga pahayag nina Michael Pangilinan at Girl Trends member na si Erin Ocampo pagdating sa visitation rights ng singer para sa kanilang anak.

Ayon kay Michael, hindi na niya nakikita ang anak nila ni Erin dahil hindi siya pinapayagan nito na makasama ang bata.

Taliwas naman ito sa naging pahayag ni Erin nang makausap siya ng PEP.ph at Cinema News kamakailan.

Lahad niya, “Pinahihiram ko.

“Ako pa ang gumagawa ng paraan, kaso wala, e.

“Sino ba ang may gusto ng hindi buo at hindi masaya, di ba?

“Kahit hindi kami on good terms.

“Basta ayoko nang magsalita.”

FINANCIAL SUPPORT. Tinanong din namin si Erin kung nagbibigay ba ng financial support si Michael sa anak nila gaya ng pinangako nito noon sa mga interviews niya.

Dagdag niya, “At first. At first, nagbibigay siya ng support.

“After ng ilang buwan, hindi na.”

ONGOING CASE. Balita na nagsampa na rin ng kaso si Michael laban kay Erin para nga sa visitation rights ng kanilang anak.

Ayon naman kay Erin ay inaayos na rin ito ng kanyang abugado.

Pagkumpirma niya, “Sumagot na yung lawyer ko about dun.

“Nag-usap na naman sila.

“Kung naayos? Wala pa pong balita.”

APPEAL FOR PRIVACY. Bukas din naman for settlement si Erin.

At para nga sa kanya, hinihiling niyang sana ay tumahimik na lang ang magkabilang panig dahil nadadamay ang kanilang anak.

“Settlement? Oo, gusto ko yun.”

“Tahimik na lang both sides parang ganun.

“Wag na lang pa-interview.

“Wala na lang ganun kasi nadadamay yung bata,” pakiusap niya.

NO BITTERNESS. Ayon din kay Erin ay masaya siya na may girlfriend na ngayon ang ex-boyfriend niya sa katauhan ni Garrie Concepcion.

Siniguro din niya sa amin na wala siyang bitterness na may bagong inspirasyon na sa buhay ang ama ng anak.

“Masaya ako for him.

“Bitter? Hindi po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masaya din kasi ako ngayon,” lahad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN