Is Dianne Medina ready to settle down with BF Rodjun Cruz?

IMAGE @dianne_medina on Instagram

Dianne Medina on wedding plans with Rodjun Cruz: "Wala pa talagang plans kasi mga career-oriented kaming tao."


Siyam na taon nang magkarelasyon sina Dianne Medina at ang boyfriend nitong si Rodjun Cruz, ang nakatatandang kapatid ni Rayver Cruz.

Ngunit kahit na masasabing matagal at mahaba na ang kanilang pinagsamahan ay hindi pa raw nakikita ni Dianne ang sariling magpapakasal sa ngayon.

Ayon sa showbiz personality, wala pa raw sila sa puntong pinaplano na nila ang pagpapakasal.

Ani Dianne, “We’ve been together for nine years now but we don’t have plans yet [of settling down].”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang TV host sa media event ng Ever Bilena kunsaan siya ay kabilang sa mga celebrity endorsers ng nasabing beauty product.

Ginanap ito noong nakaraang Martes, Oktubre 25, sa Limbaga 77 Restaurant, Quezon City

Ganunpaman, sinigurado ng aktres na going strong ang kanilang relasyon.

Dagdag pa niya, "Kaya lang, wala pa talagang plans, kasi mga career-oriented kaming tao.”

“Si Rodjun kasi, naka-focus pa siya sa career niya, and me, as an endorser, also a segment host, and I’m also with Malacanang and PTV4, and nag-aartista pa rin on the side."

Abala ngayon si Rodjun sa Encantadia, samantalang si Dianne naman ay busy din sa kanyang mga hosting gigs.

Maliban sa pagiging busy, isa pa sa mga rason kung bakit malayong usapan pa para sa dalawa ang kasal ay ang pagiging handa sa haharaping commitment.

Ayon sa TV host, "A relationship would really work if both parties are both ready.

"Because if you’re not mutually ready, and physically, emotionally ready, baka mag-fall apart lang yung relationship."

Ibinahagi niya rin ang kahalagahan ng communication at pagiging magkaibigan sa isang relasyon.

“So its best that there’s an open communication between the two parties, at saka dapat talagang kung gusto niyo na talagang mag-settle down, mag-settle down.

"Kami kasi ni Rodjun, as friends din kami nag-start. So at least, kaibigan and magkakilala talaga."

"Mahirap namang hesitant yung isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lalo na yung isa, ang ganda ng nangyayari sa career niya,” pagtukoy ni Dianne sa magandang karera ng kanyang boyfriend.

Pahabol pa niya, "And its really important to center your relationship on God.

"Kasi kami ni Rodjun, very religious din kami.

"So lahat naka-base kay Lord, and everything else will follow."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN