Vivian Velez recalls 'alarming encounter' with five alleged drug addicts

IMAGE Noel Orsal

Actress Vivian Velez sends a message to the local government of Angeles City, Pampanga: "Just wondering with all the shabu labs and mega shabu warehouses busted in this city of Angeles, zombies (drug addicts, pushers) are still free to roam around and harass people like us. I hope Mayor Ed Pamintuan and P S/Supt Sidney Villaflor are more vigilant of these cases. Alarming encounter!"


Ipinahayag ng aktres na si Vivian Velez ang kanyang pagkadismaya matapos ang masamang engkuwentro diumano niya sa limang hinihinalang drug addicts sa kanilang lugar sa Angeles City, Pampanga, kahapon, October 24.

Sa kanyang Facebook account, ikinuwento ni Vivian na humingi sila ng tulong sa mga pulis nang mamataan ang limang di pinangalanang lalaki, na pinagdududahang lulong sa ipinagbabawal na gamot.

Nakipagsagutan din daw ang mga ito sa mga pulis.

Kuwento ng aktres, “I just had a bad encounter with 5 drug addicts with tattoos all over their body.

“How do i know they're addicts? Dripping saliva all over their mouth, manner of speaking, anorexic looking...

“I called the police to assist us but can't do anything so we filed an incident report. In fact they were shouting like crazy in front of the officers.”

Pagpapatuloy niya, “Just wondering with all the shabu labs and mega shabu warehouses busted in this city of Angeles, zombies (drug addicts, pushers) are still free to roam around and harass people like us.”

Umaasa si Vivian na makarating ang kanyang hinaing sa kanilang lokal na pamahalaan upang maiwasan na ang mga ganitong pangyayari.

“I hope Mayor Ed Pamintuan and P S/Supt Sidney Villaflor are more vigilant of these cases. Alarming encounter!”

Sa isang komento, sinabi ni Vivian na naganap ang insidente sa Town and Country Homes sa Angeles City, Pampanga.


Sinabi rin ng aktres sa comment section na sinampal at pinagbantaan din ang buhay ng mga suspek ang kanilang hardinero.

Kuwento ni Vivian, “They were able to slapped our guard and threatened to kill our gardener.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN