Nakipagkulitan si Zanjoe Marudo kay Sam Milby at girlfriend nitong si Mari Jasmine sa Instagram.
Ginamit pa nga ni Zanjoe ang mga linya sa pinakahuling pelikula nina Zanjoe at Sam, kasama si Angel Locsin, ang The Third Party.
Nagsimula ito nang mag-post si Mari Jasmine sa kanyang Instagram account ng photo nila ni Sam na magkasama sa Japan.
Dito sinimulan ni Zanjoe ang pagbibiro sa pamamagitan ng pagbitaw ng linya mula sa kanilang pelikula.
Gumaganap na lovers sina Zanjoe at Sam sa The Third Party.
Sumakay naman dito si Jasmine at sinagot si Zanjoe ng linyang ginamit pa ng aktor mula sa pelikula.
Sumali si Sam sa palitan ng mensahe ng dalawa.



Tinanong ni Zanjoe si Sam kung mahal ba niya ang girlfriend.
Diretsang sagot ni Sam: “Mahal na mahal.”


