Lani Mercado wants to prove something as mayor of Bacoor City

IMAGE Gorgy Rula

Bacoor Mayor Lani Mercado on her drive to perform better: "Gusto kong mabura yung mga akusasayon laban sa aming pamilya. And I'm here to disprove all the accusations. Walang katotohanan yung mga paratang sa amin. Mahirap din, pero hindi ko masyado iniisip yung negative side of the situation. I used the negativity to push myself to do the positive things."


Masayang ibinalita ng mag-asawang Bacoor Mayor Lani Mercado at former Senator Bong Revilla ang bagong achievement na natanggap ng una.

Binigyan ng parangal ang lungsod ng Bacoor ng Seal of Good Governance mula sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Tinanggap ni Lani ang naturang award noong October 27 na ginanap sa Hotel Sofitel, nang ipinagdiwang ang 25th anniversary ng Local Government Code.


Ayon kay Lani, ang lungsod ng Bacoor ang isa sa nakatanggap ng Seal of Good Governance kasama ang mahigit 300 lungsod at municipalities sa buong bansa.

Pahayag ng actress-politician sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Interbyuhin ka ng mga taga-DILG, tapos kailangan pasok ka sa qualifications nila sa financial administration, disaster preparedness, business friendly kayo, yung environmental protection quotient dapat maayos din kayo.

“Yun yun mga requirements nila.”

Dagdag niya, “Malaking achievement sa amin, kasi two consecutive years na, e.

“Last year meron, tapos this year meron.

“So, ibig sabihin, tama yung galaw namin sa lungsod ng Bacoor and we’re still improving our services.”

BIG CHALLENGE. Malaking hamon daw kay Lani ang responsibilidad na nakaatang sa kanya dahil first time na nanungkulan ang isang babaeng mayor sa Bacoor.

Nakadagdag pa ang pinagdaanan ng kanilang pamilya nang inakusahan si Bong na sangkot diumano sa pork barrel scam at mahigit dalawang taon nang nakadetine sa Camp Crame.

Saad ni Lani, “May gusto akong patunayan na in spite of all the problems happening, nakakapag-perform ako as a public servant.

“Hindi ko ginagamit ang mga problema ng pamilya bilang balakid na huwag ako mag-perform.

“I used it as an inspiration to continue yung gusto naman talaga naming gawin para sa lungsod ng Bacoor, and that’s to serve.

“Plus, first lady mayor ako ng Bacoor. It’s a macho world sa pagiging mayor ng Bacoor.

“Kasi unang babae akong mayor. So, double time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kailangan mapatunayan ko na yung kaya ng lalaki, kaya rin ng babae. Pero may touch ng isang ina.

“Kaya lahat ng programa ko, 'alagang Ate Lani' kasi may touch ng pagmamahal ng isang ina.”

Dagdag niyang pahayag, “Sinabi ko sa sarili na gusto kong mabura yung mga akusasayon laban sa aming pamilya.

“And I’m here to disprove all the accusations. Walang katotohanan yung mga paratang sa amin.

“Mahirap din, pero hindi ko masyado iniisip yung negative side of the situation.

“I used the negativity to push myself to do the positive things.

“I’m happy na yung mga anak ko tumutulong din kahit papa’no sa mga causes namin sa lungsod.”

SUPPORT FROM BONG. Malaki rin daw ang naitulong ni Bong sa kanya dahil marami itong suggestions na nagagamit niya sa paninilbihan niya sa kanyang lungsod.

Ayon kay Lani, “Siya ang aking consultant.

“Marami siyang inputs na ibinibigay sa akin bilang asawa ko.

“Mas malawak definitely ang kanyang experience sa larangan ng pulitika.

“He’s been a vice governor, governor, senator.

“So, mas malawak, mas marami siyang naitutulong sa akin, lalo na sa peace and order, sa anti-drug campaign.

“Dun siya sumikat, e, nung naging vice governor siya, pinarangalan pa siya internationally.

“So, tumutulong siya sa akin.”

Kaya naiintindihan naman daw ni Bong na minsan ay mas nauubos ang oras niya sa trabaho sa Bacoor kesa sa pagdalaw sa kanya sa Camp Crame.

Kuwento ni Lani, “May times na nagpaparamdam siya na parang, ‘O, tama na Bacoor, ako naman.’ May ganung paglalambing.

“Pero alam niya at naintindihan niya yung responsibilities ng job.

“Yun nga lang yung Sunday, ibinigay ko na sa kanya.”

Kaya dahil sa napakabigat na responsibilidad at 24/7 daw na pagtutok sa Bacoor, hindi raw alam ni Lani kung puwede pa ba siyang magtrabaho bilang artista.

Pahayag niya, “Hinahanap-hanap din ng katawan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Baka hindi na kayanin ng katawang tao ko yung trabaho kasi very demanding yung job as mayor.

“Tingnan niyo nga si Congresswoman Vi [Vilma Santos], ganun din, e.

“Nung naging mayor siya ng Lipa, halos paminsan-minsan na lang

“Siguro occasional puwede, huwag lang ma-occupy on a weekly basis sa schedule ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN