Vivian Velez lambasts former President Fidel V. Ramos: "The old man is a spent bullet, empty shell."

IMAGE Anj Sampayan

Hindi nagustuhan ni Vivian Velez ang mga patutsada ni dating Pangulong Fidel Ramos kay President Rodrigo Duterte kaya binanatan ito ng beteranang aktres sa Facebook. Patutsada ni Vivian kay Ramos, "The old man is a spent bullet, empty shell... just because he supported PRRD he thinks he can steer him around."


Binatikos ng beteranang aktres na si Vivian Velez si dating Pangulong Fidel Ramos dahil sa mga birada nito laban kay Pangulong Rodrigo Duterte nitong mga nakaraang araw.

Sa Facebook post ni Vivian kahapon November 1, diretsahang sinabi ng aktres na walang karapatan si Ramos na manduhan si Duterte kahit na sinuportahan niya ito noong nakaraang eleksyon.

Pahayag ni Vivian tungkol kay FVR: “The old man is a spent bullet, empty shell... just because he supported PRRD he thinks he can steer him around. A stupid move actually Mr. ExP, what a way to be remembered tsk tsk tsk.”

Matatandaang sa kanyang kolum sa isang broadsheet, binatikos ni Ramos ang "First 110 Days" ni Duterte dahil nakatutok lang daw ang pangulo sa kanyang pinaigting na war on drugs.

Kasunod nito ang pagbatikos niya nito lamang Sabado, October 29, sa pagtanggi ng pangulo na aprubahan ang Paris Agreement on Climate Change na pinirmahan ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Inanunsiyo rin ni Ramos na nagbitiw na siya bilang Special Envoy to China, at tinanggap naman ito ni Pangulong Duterte.

Si Vivian ay masugid na tagasuporta ni Pangulong Duterte kahit noong kampanya pa lamang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN