Maricel Laxa-Pangilinan mum on Gab Valenciano-Tricia Centenera breakup

IMAGE Maricel Laxa-Pangilinan Instagram

Maricel Laxa-Pangilinan stresses the importance of keeping marital issues privy to a select group of close friends: "Kasi sa marriage, kami ni Anthony, we agreed na if there's a problem between the two of us, we'll tell very few people, pero ang layunin namin para maayos. Hindi namin ikukuwento para ma-media. Kaya wala kang naririnig. Siguro old style ba yun? Pero I think that old style works."


Tumanggi si Maricel Laxa-Pangilinan na magbigay ng komento tungkol sa hiwalayan ng nephew-in-law niyang si Gab Valenciano at sa non-showbiz wife nitong si Tricia Centenera.

Si Gab ay pamangkin sa asawa ni Maricel.

Ang asawa ni Maricel na si Anthony Pangilinan ay kapatid ni Angeli Pangilinan, na asawa ni Gary Valenciano.

Nabalitang naghiwalay na ang mag-iisang taon pa lang na kasal na sina Gab at Tricia.

Nabanggit pa lang namin ang tungkol dito, napangiti lang si Maricel at umiling.

Pahayag niya, “It’s better lang kasi [na huwag nang mag-comment].

“Kasi if I’m quoted tapos may something na maging sensitive, I don’t wanna be part of that.

“Kasi sa marriage, kami ni Anthony, we agreed na if there’s a problem between the two of us, we'll tell very few people, pero ang layunin namin, para maayos.

“Hindi namin ikukuwento para ma-media. Kaya wala kang naririnig.

“Siguro old style ba yun? Pero I think that old style works.

“Tapos, hindi ako magsi-share sa nanay ko para maging kakampi niya ako at idi-defend niya ako kay Anthony.

“Kasi pag nagbati kami ni Anthony, may sama pa rin siya ng loob. Hindi ko sini-share yun.

“Si Anthony, hindi rin niya isi-share yun sa nanay niya, kasi magkakaroon kami ng gap..”

Patuloy ni Maricel, “So, may usapan kami.

“Nag-identify kami ng four people na puwede naming pagsabihan.

“Pag sinabi ko sa iyo, sa iyo na titigil yun. Hindi mo ikukuwento sa kanya.

“Tapos, tatapusin natin kasama kaming dalawa ni Anthony.

“May dalawang member ng family, pero hanggang dito lang.

“Sino ba naman ang hindi dumadaan sa ganun, di ba?

“But, I think, yung mga ganung umpisa, honeymoon stage na away-away, petty-petty na ganyan.

“Pero hindi to a point na mag-aalsa balutan na talagang hiwalay.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maricel sa media launch ng “Be A Wall Against Dengue” anti-dengue awareness and prevention campaign ng Sanofi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ginanap ang launch sa Monet Ballroom ng Novotel Hotel noong October 25.

Kasama rin ni Maricel doon sina Christine Bersola-Babao at Paolo Abrera na kapwa niya celebrity endorsers para sa naturang campaign.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN