Lovi Poe reacts to possible release of celebrity names on President Duterte's drug list

IMAGE Reielle Deslate

Lovi Poe on President Rodrigo Duterte's drug list: "The thing is about giving out a list, I hope we're doing it for the right reasons. I hope it's not about shaming other people." 


“Is it for name-shaming or ikagaganda ba ng bansa natin?”

Ito ang balik-tanong ni Lovi Poe kaugnay ng posibleng pagsasapubliko ng mga artistang diumano’y sangkot sa illegal drugs, base sa listahan ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), inihayag ng Kapuso actress na mas mahalagang pagtuunan ng pansin kung paano matutulungan ang sinumang gumagamit ng droga.

“The thing is about giving out a list, I hope we're doing it for the right reasons.

“I hope it's not about shaming other people.

“Ako kasi, I think addiction is a disease more than anything. People who go through it need help.

“So, there are some things that should be addressed maybe in a personal level rather than publicly.”

Nakapanayam ng PEP si Lovi pagkatapos ng PEPtalk shoot na ginanap sa Summit Media office noong October 25.

Kung sakaling pangalanan pa rin ang mga artistang sangkot sa droga, umapela si Lovi na sana raw ay may sapat na ebidensiya ang gobyerno bago gawin ang hakbang na ito.

Handa ba siyang sumailalim sa drug testing?

Sagot ni Lovi, “Yeah, I’m willing, if that's what they want.

“I mean, like, if they ask all of us [to undergo drug testing], of course [I will do it]. It's not gonna be a problem.

“Pero as long as it’s not for entertainment. These people's lives aren’t for entertainment.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN