MTRCB summons Till I Met You heads over James Reid-Nadine Lustre love scene

IMAGE Screengrab from Till I Met You

Ipinatawag ng MTRCB and pamunuaan ng Till I Met You sa isang pulong sa darating na November 10, dahil sa ilang maseselang eksena ng teleserye na pinalagan ng ilang manonood.


Ipinatawag ng Movie & Television Review & Classification Board (MTRCB) ang pamunuan ng Till I Met You ng ABS-CBN para sa isang pulong sa November 10.

Ito ay kaugnay ng mga reklamong natanggap ng ahensiya sa "steamy love scene" nina James Reid at Nadine Lustre sa October 25 episode ng naturang primetime series ng Kapamilya network.

Ang naturang eksena ng mag-asawang Basti at Iris, na ginagampanan nina James at Nadine, ay kinunan sa loob ng isang kotse.

Read: James Reid, Nadine Lustre have sensual car love scene in Till I Met You

Isa pang tatalakayin sa pulong ay ang nakapaloob naman sa October 26 episode ng show, kung saan kaswal daw na pagsabi ng isang karakter ng mga salitang "sex lang 'yan."

May reklamo rin daw na nakarating sa kanilang tanggapan sa October 27 and 28 episodes kung saan may bathtub scene sina James at Nadine, pero ang nakalagay lamang na MTRCB classification sa episode ay "Parental Guidance."

Ayon pa sa sulat ng MTRCB na naka-address kina Antoinette Jadaone at Andoy Ranay (directors), Arnel Nacario (executive producer), at Shugo Praico (writer), "Considering that 'PG' and 'SPG' ratings still admit the reality of having young audiences, the Board shall expect you to present your side at the said conference which shall be before a Committee particularly designated for the matter."

Narito ang kabuuang sulat ng MTRCB:




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN