(UPDATED) Preview defends Maine Mendoza from netizen's claim during her cover shoot

IMAGE Courtesy of Preview Magazine

Preview has issued a statement to address the allegation of a netizen who worked during the cover pictorial of Maine Mendoza. Preview said, "While everyone is entitled to their own opinions, it's also important to understand that our favorite celebrities are good at what they do because they are focused when they are at work. It's also a matter of kindness to consider that at the end of a long work day, everybody deserves a moment of quiet and rest."


Naglabas ng statement ang Preview magazine, sa pamamagitan ng kanilang official Facebook page, kaugnay ng akusasyon ng isang Louise Banta na nag-inarte diumano si Maine Mendoza sa cover pictorial para sa November 2016 issue ng nasabing fashion magazine.

Base sa original Facebook posts ni Louise, na-disappoint daw siya sa naging karanasan niya sa pictorial ni Maine para sa Preview.

Sabi niya: “Kaya nga nagulat rin ako sa naexperience ko. Very different from her character sa tv. Pag on cam very bubbly, pag off cam at konti lang tao, halos di ngumiti sa staff namin. #disappointing.”


Ngunit sa kabila nito ay nakapagpa-picture siya kay Maine kung saan nakangiti pa ang TV host-actress.


Burado na ang mga post na ito ngayon sa Facebook account ni Louise, ngunit may ilang netizens ang nakapag-screen grab nito at ni-repost sa social media.

PREVIEW STATEMENT. Sa kanilang official statement, nilinaw ng Preview na hindi konektado sa kanilang magazine si Louise, na may user name na Louise Banta sa Facebook at @louisechelle sa Twitter.

Ayon pa sa Preview, “Maine Mendoza was extremely professional during her Preview cover shoot.

“She was very polite to the team and was focused on the tasks at hand, giving her 100% for our cameras, even if she was likely tired from having had a full day of work.

“She was even kind enough to indulge everyone who asked to take a photo with her after the shoot, which ended at around 10 p.m.”

Dagdag ng Preview, “While everyone is entitled to their own opinions, it's also important to understand that our favorite celebrities are good at what they do because they are focused when they are at work.

“It's also a matter of kindness to consider that at the end of a long work day, everybody deserves a moment of quiet and rest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“If anything, I'd like to thank Maine for being such a joy to work with, collaborating with us creatively for this cover shoot.

“She is a true professional and is still as polite and humorous as the day we met her a year ago.”

'I WILL STAND BY IT.' Dahil sa kanyang posts tungkol kay Maine, inuulan ngayon ng batikos mula sa supporters ng Eat Bulaga! host ang social media accounts ni Louise.

Ngunit pinaninindigan daw ni Louise ang kanyang naunang pahayag laban kay Maine.

Sabi niya sa kanyang Facebook account, “Sa lahat ng mapupunta sa account na ito. I said my personal opinion about Maine Mendoza in my personal account.

“If it didn't please you, wala ako magagawa doon.

“It was a personal opinion based on my own experience and I will stand by it.

“Kung may karapatan kayong sabihin ang lahat ng bagay sa akin ngayon, lahat ng panlalait at lahat ng insulto just because I shared an opinion about her, siguro naman karapatan ko rin sabihin yung akin.

“And thank you sa nagreport ng photo. Mukhang bukas tanggal na ako sa trabaho. Sana naging masaya kayo sa ginawa nyo.”

May mensahe rin si Louise sa kanyang Twitter account:

Ni-retweet din ni Louise ang statement ng Preview tungkol sa kanya at sa naging pakikipagtrabaho nila kay Maine.

STATEMENT FROM HER EMPLOYER. Napag-alaman ng PEP na si Louise ay nagtatrabaho para sa Mannequin Inc., na nag-provide ng mannequins para sa cover shoot ni Maine sa Preview.

Naglabas din ng official statement ang pinagtatrabahuang kumpanya ni Louise kaugnay ng isyung kinasasangkutan ng kanilang empleyado.

“Our company, Mannequin Inc., has always maintained a standard of professionalism with our dealings through the years.

“We are proud to have recently worked with Preview Magazine as the venue for their November 2016 cover shoot featuring Ms. Maine Mendoza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We would like to clarify that the statements made by our employee, Louise Banta, about Ms. Maine Mendoza on her personal Facebook and Twitter accounts, and the succeeding comments therein, are her own and do not represent the company.

“We are presently looking into the matter and we would like to apologize for any inconvenience or distress it may have caused Ms. Mendoza and the Preview team.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN