Pia Wurtzbach confirms Miss Universe 2016 will still be held in the Philippines

IMAGE @missuniverse on Instagram

Matapos ang ilang agam-agam, tuloy na tuloy na ang pagdaraos ng Miss Universe 2016 sa Pilipinas ayon sa Department of Tourism at kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.


Tuloy na tuloy na ang Miss Universe 2016 sa Pilipinas.

Ito ang inanunsiyo ni Department of Tourism (DOT) Secretary Wanda Teo sa isang press conference ngayong hapon, November 3.

Ayon sa DOT secretary, totoo ang mga agam-agam dati na hindi na dapat matutuloy ang pagdaos ng Miss Universe sa bansa dahil nag-aalala ang Miss Universe Organization (MUO) sa political situation sa Pilipinas.

May isa pang grupo ng kababaihan ang nagpetisyon na huwag nang idaos dito ang Miss Universe.

Ngunit napakiusapan daw nila muli ang Miss Universe Organization na ituloy na ito sa Pilipinas sa Enero 2017.

Gaganapin ang coronation night sa Enero 30, 2017 sa MOA Arena.

Ang American TV host na si Steve Harvey ulit ang maghu-host ng pageant, ngunit susubukan ng DOT na makiusap sa MUO kung posibleng magkaroon ng co-host na Pinoy.

Matapos ang presscon ni Secretary Teo, in-upload kaagad ni DOT Undersecretary Kat de Castro sa Facebook, Instagram, at Twitter ang video message ni reigning Miss Universe Pia Wurtzbach tungkol sa magandang balita.

Sabi ni Pia, “I’m so excited to share with you all that, yes, the Miss Universe competition is indeed happening in the Philippines and I can’t wait to show you all my beautiful country.”

Ito na ang pangatlong Miss Universe pageant na idadaos sa bansa.

Una noong 1974, kung saan si Amparo Munoz ng Spain ang nanalo, at pangalawa noong 1994, kung saan si Sushmita Sen ng India ang nag-uwi ng korona.

Sa ikatlong pagdaraos ng Miss Universe sa Pilipinas, mabibigyan ng pagkakataon si Pia Wurtzbach na ipasa ang korona sa susunod na Miss Universe sa sarili niyang bansa.

Ilan sa magiging major sponsors ng Miss Universe 2016 ay ang LCS Group of Companies, Okada Manila, SM Group of Companies, at Solar Entertainment Corporation.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN